[42]

421 46 80
                                    

mariah

"Friendsis, sama mo na 'to please." mapairap ako sa ginawang pagpapacute ni Amanda. Kanina pa nya pinapabili sa'kin yong chocolate na hawak nya eh di naman kasama yon sa budget na dala ko.

Nagpresinta kasi akong maggrocery at sumama naman sya. Bored kasi ako sa bahay. Tsaka, malulungkot lang ako lalo. Maiisip ko lang lagi si Pierre. Two weeks na din mula noong pag-uusap namin. Kung pag-uusap ba iyong matatawag. Hanggang ngayon, masakit pa rin.

"May pera ka naman, bakit di nalang ikaw ang magbayad nyan." mataray kong sabi.

"Friendsis naman, gusto ko libre." Kita mo tong babaeng to. Matakaw na kuripot.

"Bahala ka dyan. Di ko yan bibilhin. Baka mashort pa yong dala kong pera, ikaw ang ipambabayad ko." itutulak ko na sana ang push cart na dala ko ng makita ko si Lay sa likod nya. Dalawang beses pa akong kumurap baka kasi namamalikmata lang ako pero talaga siya ang nakikita ko.

"Hi! Naggo-grocery din pala kayo." makangiting aniya. Lumabas na naman yong malalim nyang dimple. Nakakaingit talaga.

"Oh my god! Hi! Lay." parang kiti-kiting bulalas ni Amanda. May ibang tuloy'ng mamimili na napatingin sa gawi namin. Sarap talagang tapalan ng bibig ng babaeng to minsan.

"Kanina pa kayo dito?" tanong ni Lay na sa'kin nakatingin.

"Medyo. Actually, tapos na kami." sagot ko.

"Oh! Tapos na rin ako. Uhm! Uuwi na ba kayo agad? Gusto kasi sanang imbitahan kayong maglunch." magsasalita na sana ako pero inunahan ako ng madaldal na si Amanda.

"Ahm! Ako, may importante pa akong puputahan pero uuwi muna ako. Si friendsis, wala yang importanteng gagawin. Kaya pwede na kayong magdate---este maglunch." Pasimple kong pinandilatan si Amanda. Aba itong babaeng to, ipinahamak pa 'ko.

"Ah, okay lang ba Mariah?" nabaling naman ang tingin ko kay Lay. Paano ba 'to? Gusto ko sanang matulog pag-uwi pero di ko naman kayang hindian sya.

"Uhm-oo." kita ko ang agad na pagliwanang ng kanyang mukha. Habang si Amanda naman ay ngiting-ngiti. Mamaya sya sa'kin.

"Ako na mag-uuwi ng groceries natin friendsis." pagboboluntaryo nya. Lumapit ako sa kanya at pasimple syang kinurot at pinandilatan ng akmang magrereklamo sya. Wala syang nagawa kundi sumimangit na lang.

"Tulungan ko na kayo dyan sa pinamili nyo." pagboboluntaryo ni Lay.

"Naks, gentleman." panunudyo ni Amanda sa kanya. Lukaret talaga ng babaeng to. Di man lang marunong mahiya.

Hinayaan ko nalang si Lay na tulungan kami. Matapos naming mabayaran ang pinamili namin ay tinulungan nya din kaming dalhin iyon sa sasakyang dala namin ni Amanda. Sya na ang magdadala non pauwi.

Matapos naming mailagay lahat sa compartment ay agad na syang umalis. Ako naman ay sa kotse na ni Lay sumakay.  Di ko inaasahan na pagbubuksan nya pa ako ng pinto. Tama nga naman si Amanda, gentleman sya.

"Saan mo gustong kumain?" he asked while maneuvering his car out of the parking lot.

"Hmm! Ikaw na bahala." ani ko at nginitian sya.

"May naisip akong lugar. It was my favorite. I hope, magustuhan mo rin sya."

"Sige, tingnan natin." nakangiting ani ko.

It was a fifteen minute drive bago kami nakarating sa sinasabi nyang lugar. Isa ng mataas na mataas na building. Medyo nagtaka pa ako dahil mukhang din naman restaurant ang pinuntahan namin. Mas lalo akong nagtaka ng igiya nya ako pasakay sa elevator at pinindot nya ang top floor. Nang makarating kami ay doon ko lang nalaman na nasa rooftop pala ng building ang restaurant na tinutukoy ni Lay dahil sa nakita kong sign board.

I was amazed sa nakita ko. I can see the whole city and it was indeed a beautiful view mula sa kinaroroonan namin. It's my first time na kumain sa isang restaurant na nasa rooftop. Alam ko na may mga ganitong restaurants pero di ko alam na meron na nito sa Pilipinas. Hindi naman mainit dahil may malalaking payong naman bawat mesa.

Isang waiter ang sumalubong samin na magiliw na binati si Lay. He even address him by his name. Mukhang regular customer na sya dito.

Iginiya kami ng waiter sa parang second floor ng restaurant. Wow just wow. Nasa rooftop na nga kami, may second floor pa.

Doon ay kaunti lang yong tables. Inukupa namin ang nasa dulo kung saan klarong-klaro mong makikita ang view. God! Nakakalula.

Bago ko ipagpatuloy ang paghanga sa buong lugar ay kinuhanan na kami ng order ng waiter. Habang hinintay ang order namin ay nagkwentuhan kaming dalawa. Pinasalamatan ko sya sa pagdadala sa'kin sa lugar. Natutuwa naman daw sya na nagustuhan ko.

Nang maiserve na ang aming order ay nagkikwentuhan pa rin kami habang kumakain. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin ng matigilan ako dahil may nahagip ang aking mata sa first floor ng restaurant.

I can see clearly it was him. It was Pierre.

And he's with someone. Isang seksing babae na kasing-edad ko lang yata. Ito kaya ang girlfriend nya? Lagi din ba sila dito?

Di dapat pero di ko itatangging nasasaktan ako.

"Mariah, are you okay?" Natauhan ako sa tanong ni Lay. Tumango-tango at pilit na ngumiti. He smiled back pero di yon umabot sa mata nya.

"Wag ka sang magagalit ah. May sasabihin ako." mataman akong mapatingin sa kanya.

"Ano yon?"

"I can see you're sad, even when you smile. Nakikita ko sa mga mata mo. May problema ka, Mariah. You can tell me. I'm willing to listen." Natameme ako sa kanyang sinabi. Ganon ba ako kahalata at nababasa nya 'ko.

"Gusto kong alisin kung ano man ang problema mo. Gusto kong makita kang nakangiti. At gusto ko yong ngiting totoo. And if you let me, I wanna be the reason of your smile." Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ng abutin nya ang aking kamay at masuyo iyong ikinulong sa mga palad nya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy Mariah, gusto kong sabihin sayo na... gusto kita." Napalunok ako at napakurap-kurap. G-gusto nya ko?

"And... I want to court you? Would you let me?"

Oh my god!

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon