[51]

375 46 27
                                    

Halos nadapa na ako sa pagtakbo makarating lang sa parking lot. I don't wanna lose my chance. Sana ito na 'yon.

I was heavily panting when I stop a few meters from where he is. He's leaning on the car door of a red Range Rover. I'm sure it's his.

Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng mag-angat sya ng mukha at magtama ang aming mga tingin. Kahit di mo kakikitaan ng emosyon yong mukha nya, di ko maikakaila na malakas pa rin ang epekto nya sa'kin.

Kinakabahan akong naglakad palapit sa kanya. Iniisip ko din kung ano ang aking sasabihin. Pero bago pa ako makapagsalita ay binuksan nya yong pinto ng drivers seat.

"You know how to drive, right?" nagtataka man ako ay marahan akong tumango. "You drive the car."

Pinakatitigan ko sya. Ako magmamaneho ng kotse nya? Bakit? Akala ko makakapag-usap na kami.

"What?" may iritasyon sa boses nya ng di ako tuminag. Natauhan naman ako sa aking iniisip at madaling lumapit at sumakay sa kotse. Ibinigay nya ang susi sa'kin at tinanggap ko naman iyon. Umikot sya sa kabilang side. Akala ko ay sa shotgun seat sya sasakay pero masyado naman akong assuming para gustuhin nyang tumabi sa'kin. He settled himself at the backseat.  Humilig sya sa sandalan at ipinikit ang kanyang mga mata na parang matutulog.

"Drive." malamig nyang

utos. Tiningnan ko sya sa rearview mirror at nakita kong nakapikit pa rin sya. Gagawin nya lang pala akong driver. Tapos tutulugan pa yata ako. Paano kami nag-uusap?

Nagpakawala ko ng malalim na hininga bago ko binuhay ang makina ng kotse.

"Uhm! Where to?" Lumingon ako sa kanya ng hindi ako makakuha ng sagot. Mukhang nakatulog nya. Seriously! Ang bilis naman.

Hindi ko maiwasang pakatitigan sya. God! He really is so damn handsome. Ang kinis-kinis ng kanyang mukha at ang tangos ng kanyang ilong. Gusto kong haplusin ang mukha nya. Now that I'm staring at him, napagpagtanto ko kung gaano ko sya na miss.

Kumurap-kurap ako ng pakiramdam ko ay maiiyak ako. Letse naman, ang babaw nitong luha ko. Binalik ko ang aking tingin sa unahan. Saan ba kami pupunta? Wala naman syang sinabi.

Biglang naisip ko ang isang lugar. Tutal ay wala syang sinabi, doon ko na lang sya dadalhin. Bahala sya paggising nya.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon