[17]

405 34 21
                                    

"Hoy! friendsis naman, kanina ka pa iyak ng iyak dyan? Anong bang nangyari sayo? Nanakawan ka ba? Nahold-up? Nadapa? Sinong nang-away sayo? Uupakan ko."

Umiling ako at kinagat ang aking ibabang labi para di mapahagulhol. I just can't help it. Masakit eh. Masakit malaman na may iba na sya. Parang tinusok ng milyong-milyong karayom yong puso ko. Umasa kasi ako na wala.

"Hay! si ex." aniya. "Ano bang ginawa sayo? Nagkausap na kayo? Anong sinabi at umiiyak ka ngayon ng ganito?"

"M-may girlfriend na sya." Kita ko ang habag sa kanyang mukha.

"May girlfriend na syang iba. Maybe it's time for you to stop and move on. You're just making it hard for yourself. Nakamove on na sya. May iba na sya. Ganon din dapat ang gawin mo. Wag ka ng maghabol sa kanya Mariah, masasaktan ka lang. Wala ka ng hahabulin sa kanya."

Muki akong umiling at mas lalong nagsilandasan ang luha sa aking pisngi.

"I can't, Amanda. I can't. I still love him. I love him so much. I can't see myself loving someone else other than him."

"You're crazy. Hindi ka na nya mahal eh. May iba na nga. Mariah naman, marami pa namang iba dyan. Mas higit pa sa kanya. Mas worth it pa keysa sa kanya." Marahas akong umiling.

"Yes, I'm crazy. Kung kabaliwan mang mahalin ko sya hanggang ngayon, oo na baliw na ko. Sya naman ang dahilan kung bakit eh. He made me fall for him before. He made me love him. Hindi basta-bastang magbabago yon Amanda. Mahal ko sya at ang sinasabing mong may hihigit pa sa kanya, mali ka Amanda. Wala ng hihigit sa kanya."

"Shh! Tama na. Tama na. Namumugto na ang mata mo oh. Wala naman tayong magagawa eh. Hindi natin hawak ang puso ni Pierre. Hindi mo hawak ang puso nya. Iniwan mo sya eh kaya nagmahal sya ng iba."

Pinahid ko ng aking palad ang aking luha. "Baka naman hindi totoo yong sinasabi nya. Baka sinabi nya lang yon para tigilan ko sya. Maniniwala lang akong may girlfriend sya pag nakita ko ng may kasama syang iba."

"What? Mariah naman. Pinapaasa mo lang ang sarili mo eh. Tapos sa huli masasaktan ka pa rin. Mariah, please tumigil ka na sa kakaasa. Bumalik nalang tayong America." Naiintindihan ko ang concern nya pero hindi. Hindi ako titigil. Hindi ako susuko.

"I'm sorry Amanda but I'll stay."

---

"Don't look at me like that." matapos naming mag-usap ni Amanda at matapos kong ayusin ag aking sarili ay naisip magpahangin muli sa dalampasigan. Di ko napansin na sinundan pala ako ni Lance at ito sya ngayon nakatingin sa'kin na parang ako na yong pinakanakakaawang tao sa mundo.

"Iniyakan mo na naman sya. Ang swerte nya masyado." Matalim ko syang tiningnan. Ayokong may sinasabi syang di maganda kay Pierre. Naiinis ako. I left him without even saying a single world. Now I am hurting and no one is to blame but me. "What? Nakakainis na eh. Five years, Mariah. Five years. Hanggang ngayon iniiyakan mo pa rin sya, hanggang ngayon sarili mo ang sinisisi mo. Mariah, he had move on. You should too."

"I don't want to have a fight with you. Please Lance, iwanan mo muna ako." Marahas syang napabuga ng hangin.

"Fine. I'm sorry." aniya saka ako iniwan.

Napapikit naman ako at napabuntong hininga. Kelangan ko ng gumawa ng paraan para makausap ko sya.

Nakatingin lang ako sa madilim na karagatan ng may mahagip ang sulok ng aking mata na paparating galing sa kanang bahagi ng dalampasigan. Agad ko itong tiningnan and my heart beats fast when I recognize who the person was.

"Pierre." mahina kong sambit sa pangalan nya.

Napalunok ako ng mag-angat sya ng mukha at magtama ang aming mga tingin. Walang kahit konting ekspresyon ang kanyang mukha. Para namang nawala ang aking dila na kahit gusto kong magsalita ay wala naman lumalabas sa aking bibig.

Umiwas sya ng tingin at umiba ng direksyon. Papunta sa rest house. Naalarma naman ako agad. Ito na yong pagkakataon na hinihintay ko para makausap sya.

"Pierre, sandali." tawag ko sa kanya pero hindi nya pinansin ang pagtawag ko kaya mabilis akong naglakad para sundan sya.

"Pierre, please sandali lang. Pwede ba kitang makausap." Akala ko ay di nya pa ako papansinin pero lihim akong nagpasalamat ng huminto sya. Sobrang kaba ang aking nararamdaman. At natatakot ako sa magiging resulta nito ngayon.

Abot-abot ang tahip ng aking dibdib ng humarap sya sa'kin. Still emotionless.

"Uhm!" God! Di ako pwedeng maduwag.

"You're wasting my time. We don't have anything to talk about." aniya at muling tumalikod. Pakiramdam ko ay gusto ko na namang maiyak. He's colder than eyes. Masakit na ganito sya sa'kin.

"Pierre, I'm sorry." Lakas loob kong sabi kahit pa nakatalikod sya sa'kin. "I'm very, very sorry." I bit my lower lip trying to control my tears.

I hears him tsk-ed.

"Sorry? Too late." aniya at tuluyan ng umalis.

Hindi ko na mapigilan tuluyang mapaiyak at mapaupo sa buhanginan.

Siguro nga huli na ang sorry ko at di na nya tatanggapin. Sobrang huli na 'ko.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon