[54]

394 40 18
                                    

"Pierre, wake up." mahina nyang niyugyog ito sa balikat. Kailangan nitong kumain ng niluto nyang lugaw para magkalaman ang tyan nito at makainom ito ng gamot.

Bahagya itong gumalaw pero di ito gumising. Hinawakan nya ang noo nito at sobrang mainit pa rin ito.

"Pierre gising, kelangan mong kumain." Mahina itong umungol saka iminulat ang namumungay na mata. "You have to eat so you could drink some medicine." Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya. It made her heart flip a thousand times. Still the same effect whenever he looks at her. "Sige na." kahit sobrang bilis ang tibok ng puso nya ay pinilit nya pa rin ang sarili na kumalma.

Akmang babangon ito pero nakita nya itong nahihirapan kaya tinulungan nya. Tinulungan nya din itong makasandal sa headboard ng kama pagkatapos ay inilapit nya dito ang isang bowl ng lugaw na ipinatong nya sa tray. Tiningnan nito iyon na parang di gusto ang pagkain.

"Kahit konti lang yong kainin mo. Para may laman ang sikmura mo. Di ka pwedeng uminom ng gamot na walang nakain." Nag-angat ito ng mukha at tinitigan sya. Kahit pa namumungay ang mata nito ay sobrang lakas talaga ng epekto nito sa kanya. "Gusto mo subuan na lang kita?" Ilang saglit pa bago ito tumango. Nginitian naman nya ito at sinimulang subuan. Pareho lang silang tahimik habang pinapakain nya ito.

"Ayoko ko na." bahagya pa syang natigilan ng umayaw na ito. Nangangalahati na rin ang maubos nitong lugaw. Inilagay nya ang tray sa bedside table saka ito pinainom ng tubig pagkatapos at kinuha nya ang paracetamol na inihanda nya at pinainom din dito.

"Uhm! Pwede ka ng magpahinga ulit." aniya rito. Bahagya lang itong tumango at idinaudos ang sarili pahiga. Inayos naman nya ang kumot nito. Akmang aalis na sya dala ang pinakainan nito ng magsalita ito.

"Babalik ka." mahina lang ang pagkakasabi nito. Hindi iyon tanong sa kanyang pandinig kundi isang hiling. Marahan syang tumango pagkatapos ay tuloy ng lumabas ng silid. Hinugasan nya muna ang kinainan nito pagkatapos at pumunta sya sa kwartong ginagamit ng kuya nya sa tuwing nandito sila sa beach house. Yong kwartong inuukopa ni Pierre ngayon ay kanya kaya mamaya ay sa kwarto nalang sya ng kuya nya matutulog. Kumuha lang sya doon ng damit para ipamalit kay Pierre pagkatapos ay binalikan nya ito.

Naabutan nya itong nakapikit. Akala nya ay tulog na pero ng maramdaman nito ang presensya nya ay nagmulat ito ng mata.

"What took you so long?" Di nya inaasahan ang tanong nito kaya mataman syang mapatingin dito.

"Uhm! Hinugasan ko pa kasi yong mga hugasin tapos dumaan ako sa kwarto ni kuya para kumuha ng damit na ipampapalit mo. Kailangan mong magbihis. Kaninang umaga pa kasi yang damit mo. Ito oh. Kasya naman sigurado yang damit ni kuya sayo."

Tinitigan pa nito iyon bago tinanggap. Her eyes grew wide when he started unbottoning his long sleeve polos. Nakita nya ang mamasel nitong dibdib. Mabilis syang tumalikod dito bago makita ang buong katawan nito. Pakiramdam nya ay biglang uminit ang kanyang pisngi. Wala man lang itong pasabi na maghuhubad ito. Jusme!

Nagbilang sya ng ilang minuto bago magtanong kung tapos na ba itong magbihis. When he answered yes ay muli syang humarap dito.

"Uhm! Matulog ka na. Doon lang ako sa kabilang kwarto." Bahagya naman kumunot ang noo nito. Pero bakit kahit ganon ay ang gwapo pa rin nito. Di man lang nabawasan ang kagwapuhan. Mas gumwapo pa yata at ang cute pa nitong tingnan.

Lihim naman nyang sinaway ang sarili sa kanyang pinag-iisip. May sakit na nga ito, pinapapantasyahan nya pa. Di naman kasi nya maiwasan.

"Stay here. Dito ka lang. Wag mo kong iwan. Stay beside me." namamaos ang boses na ani 'to.

Natuod sya sa kanyang kinatatayuan at ramdam nya ang nagwawalang puso nya. Talagang bang hiniling nito sa manatili sya? Bakit pakiramdam nya may ibang ibig sabibhin yon?

"Do I have to beg?" tanong nito na ikibalik nya sa katinuan. Mabilis syang umiling. Hindi nito iyon kailangang gawin.

Di man nito hilingin, buong puso nyang gugustuhing manatili sa tabi nito. Gustong-gusto nyang makasama ito.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon