[05]

419 39 4
                                    

Pierre Kim
@kimpierre

@mariah_han
hi!
7:26 pm

uhm! kamusta?
7:54 pm

*


mariah

"Ano na?" Malungkot akong umiling bilang sagot sa tanong ni Amanda. One hour na din ang lumipas pero wala akong makuhang reply.

"Give up ka na. Nakamove on na yon panigurado." I felt a pang of pain in my chest. Hindi ko man gusto yong sinabi ni Amanda, wala naman akong karapatan na kumontra o magalit. Ako ang may kasalanan. Ako ang umalis ng walang paalam.

"Hoy! Joke lang yon. Nagdrama ka naman agad dyan. Alam mo friendsis, kung gusto mo talaga syang makausap, dapat face to face. Or kung di pa kering harapin sya then may idea ako. Why don't you used another account. Gumawa tayo ng ibang account mo. Ibang pangalan ang gagamitin natin. Try natin kung magrereply ba sya. Tsaka wag kang susuko. Sabi mo sa'kin di ba na di ka nya sinukuan noon. Then do the same now."

Nabuhayan naman ako konti ng loob sa ideya nya. Pwede nga yon.

"Don't lose hope, friendsis. Fight for your love. Eww!" Bahagya naman akong natawa sa kanyang sinabi. She's not a romantic type of person kaya nawiwierduhan sya sa'kin. At sa ganda nya, ni minsan ay di pa sya nagka-boyfriend. Mailap ang bruha. Parang ako lang noon.

"O sige na, ako na gagawa ng ibang account mo. Give me your phone." Iniabot ko naman sa kanya ang cellphone ko.

"@imnotoveru? Bakit ito?" Yon kasi ang username na ginawa nya. Umirap sya at bored akong tiningnan.

"It suits you. Di ka maka-move on sa kanya eh. Err!" maarteng ani nya. "Sige na, aarte ka pa."

Inirapan ko sya't di na nagsalita pa.

Tama sya, di ako sinukuan ni Pierre noon. Ganon din ang gagawin ko ngayon.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon