[63]

433 51 21
                                    

Mabilis kong minaneho ang aking kotse pabalik sa aming bahay. Halos paliparin ko na ito makarating lang ako agad. Nang makarating ako ay di ko na iginarahe ng maayos ang kotse. Mabilis na akong bumaba pagka-park ko at pumasok agad sa aming bahay. Naabutan ko sina mom at dad na nagtatawanan hbang nanonood ng palabas sa TV.

"Mom, dad." tawag ko sa kanilang atensyon.

"Oh, baby. Saan ka galing?" magiliw na ani mom sa'kin. Bakit parang ang saya nila? Bakit parang wala lant nangyari? Bakit umaakto silang parang wala silang ginawa? Tapos di nila sinabi sa'kin ang tungkol sa sinabi sa'kin ni Pierre kanina.

"May pinuntahan lang po. Gusto ko po sana kayong makausap."

"Hmm! About what baby?"

Kahit kinakabahan ako ay nilakasan ko ang aking loob.

"Why did you asked Pierre to marry me?"

"Why not? Dapat lang panagutan ka nya?" napatanga ako sa sinabi ni daddy.

"Panagutan? Dad, walang nangyari sa'min para panagutan nya 'ko." Geez! this is so depressing. Ano bang pinag-iisip ng mga magulang ko. Do they think ganon ko lang kadaling isusuko ang sarili ko. Kahit na si Pierre pa yon, hindi ako ganon katanga para pasukin ang isang bagay na maaaring pagsisihan ko. I'm still thinking best things for my future. At may pagpapahalaga ako sa sarili ko. Kahit pa nagpapakatanga ako sa paghahabol sa taong ayaw na sa'kin. May pagpapahalaga pa rin ako sa pagkababae ko.

"Magkasama kayo ng isang araw, buong magdamag." ani dad. "Kayong dalawa lang sa isang bahay. You think ano ang iisipin namin." Irritation was on his voice.

"Dad, that doesn't mean na may nangyari sa'min. Hindi kami nakauwi kasi umulan and Pierre was sick. Mom, believe me." I'm hoping makikinig sa'kin si mommy pero nadismaya lang ako.

"Baby, ayaw naming naagrabyado ka. Ginawa lang namin ang nararapat bilang magulang mo. Even we were disappointed to you, di pa rin namin magagawang magalit sayo. You're our only princess and we will protect you at all cost. Pierre, should take responsibilities sa nangyari sa inyo."

Para ng sasabog ang utak ko sa pinasasabi nila. Bakit ba sinasabi nilang may nangyari eh wala naman? They're being paranoid.

"Mom, dad. Why can't you believe me? Walang nangyari sa'min." god! this so damn frustrating. Bakut ang hirap nilang paniwalain.

"Why are you lying? Di ka tinuruan maging sinungaling Mariah." dad's jaws are tightened. Galit na sya. Pero mali sila.

"I'm not lying. Bakit ayaw nyo maniwala? Please, believe me. Wala talagang nangyari sa'min." gusto ko ng maiyak sa prustrasyong aking nararamdaman.

Pero ang sunod na sinabi ni mom ay isa pang nagpanig sa'kin sa araw na 'to.

"But Pierre told us, may nangyari sa inyo. And he'll take responsibilities."

Oh my god!

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon