[13]

397 36 13
                                    

Matapos kong ichat si Pierre kanina ay naligo ako saka ako natulog. Palubog na ang araw ng ako'y magising. Naisipan kong maglakad-lakad sa may dalampasigan para magpahangin at makapag-isip na rin.

Di ko maiwasang magsaktan at magdamdam sa masasakit na salita mula sa kanya. Kahit na di nya alam na ako ang nagtsa-chat sa kanya. Paano nalang kaya pag nalaman nyang ako yon? Mas masakit pa kaya sa mga salitang yon ang sasabihin nya sa'kin?

Pero kahit pa gaano kasakit ang mga sasabihin nya. Handa akong tanggapin. Basta ba mapatawad nya lang ako.

Lumingon ako sa pinaggalingan ko at nakita kong malayo na rin pala ang aking narating. Kaya pala medyo ngalay na din ang aking paa. Ayaw ko pang bumalik sa rest house. Tumingin-tingin ako ng pwedeng maupuan pero wala akong makita kaya naisip sa buhanginan nalang.

Malungkot ako tumingin sa malawak na karagatan saka napabuntong hininga.

Siguro kung di ko sya iniwan noon hindi ako mahihirapan ng ganito? Alam ko namang mali ang ginawa ko pero 14 lang ako noon at bago sa'kin ang lahat. Hindi ko alam kung tama o hindi ang desisyon kong pag-iwan sa kanya ng walang paalam noon. Ngayon ko lang natanto na sobrang mali ako.

"Hey! Kanina ka pa naming hinahanap, bakit ka nandito?" Nag-angat ako ng mukha sa nagsalita at malungot na ngumiti sa kanya. Umupo naman sya sa tabi ko.

"Nagpapahangin lang." Ani ko at muling ibinalik ang tingin sa karagatan.

"Okay ka lang?" Ilang sandali bago ako umiling. Hindi na ako magkakaila. Alam ko namang kahit sabihin ko sa kanyang okay lang ako di ko naman sya mapapaniwala. He knows me too well na di alam nya kung kelan ako nagsisinungaling o hindi. Sa kabila ng ginawa kong pagbasted sa kanya noon, laging nandyan pa rin sya sa tabi ko at handa akong damayan. Naging mabuti at maunawain syang kaibigan kahit na abnormal sya kadalasan at inaasar ako. Nagpapasalamat ako na may isang Lance na di umalis sa tabi ko.

Nang magpunta kaming America, after three months ay sumunod sya. Ang dahilang kanyang sinabi ay gusto nya lang din daw na doon mag-aral.

Di naman ako manhid dahil nagpapahiwatig sya paminsan-minsan pero pinaunawa ko naman sa kanya na di na talaga hihigit sa isang kaibigan ang tingin ko sa kanya. He treated me extra special na kahit pinagsabihan ko na sya ay hiniling nya na hayaan ko na lang daw sya. Di naman sya hihingi ng kapalit. Nagi-guilty nga ako dahil kahit sya ang lagi lo nakakasama, iba naman ang laman ng isip ko. At ng puso ko. Alam nya hanggang ngayon na si Pierre pa rin ang laman nito at alam nya ang plano kong gawin.

"Kung ako lang talaga ang masusunod, hindi na kita pinasama dito. I don't wanna see you hurt. But you are so stubborn as always. Kung di mo na kaya hindi kaduwagan ang sumuko. I'm always here for you, okay. Don't forget that." aniya't inakbayan ako saka masuyong hinaplos ang aking balikat. Marahan akong tumango saka ko inihilig ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Salamat, Lance. Salamat sa lahat."

"Anything for you." naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko. Hindi ko na ikinagulat yon. It's one of his sweet gestures towards me. Walang namang ibang kahulugan yon. Alam naman nya kung hanggang saan lang kami.

"Pwede mo ba akong tulungan?" nag-angat ako ng mukha sa kanya na ngayon ay kunot ang noo.

"What help?"

"Tulungan mo akong makausap sya at mapalapit ako ukit sa kanya." mataman ang tinging ibinigay nya sa'kin.

"Please, Lance. Please." nagpapaawa amg tingin ibinigay ko sa kanya. Alam kong di nya ako kayang tanggigan.

"I'll try." halatang labag iyon sa kanyang nya loob.

"Sige na Lance."

"Kung ilayo ka dito ang tulong na kailangan mo, kahit ngayon mismo gagawin ko yon. Kahit di mo pa sinabi, ilalayo na kita."

"Lance naman eh." alam ko namang biro nya lang iyon.

"Fine. Oo na kahut labag sa loob ko. Tutulungan kita."

Agad namang nagliwanag ang aking mukha.

"Yey! Sabi ko na nga ba, di mo ko matitiis. Tara na, nagugutom ako eh." Nailing naman sya.

"Ang takaw mo na ngayon." aniyang ikinanguso ko.

"Mas matakaw ka pa rin. Mad malakas ka pa ring kumain keysa sa'kin. Hmp! Tara na dali." Tumawa lang ang abno at nauna syang tumayo sa'kin saka na ako tinulungan tumayo.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano hanggang sa makabalik kami sa resthouse. Bago pa kami makapasok ay napahinto kaming pareho ng sakto ding dumating si Pierre mula sa kung saan.

"Dude." tawag sa kanya ni Lance. Lumingon sya at tumango sa kanya. At bago sya tuluyang pumasok ay tumingin syang saglit sa'kin na blangko ang ekspresyon sa mukha. Para naman akong natuod sa aking kinatatayuan.

Oh my god! Di naman ako namamalikmata di ba? Tumingin sya sa'kin.

Yes! Sa wakas nakita nya rin ako.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon