[62]

402 46 17
                                    

Di ko alam kung bakit kinakabahan ako habang papasok ako sa restaurant na sinabi ni Pierre kung saan ko sya kikitain. Papasok pa lang ako ay agad na sya nahagip ng aking mata na nakaupo sa isang sulok na table. Mukhang may malalim syang iniisip.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ako tuluyang pumasok at lumapit sa kinaroroonan nya.

"H-hi!" awkward kong bati sa kanya. Nag-angat sya ng mukha at mataman akong tiningnan and it makes my heart thump so fast. I felt like I'm melting coz of the way he stares at me and it also makes me a little bit confused. Hindi galit yong nakikita ko sa mga mata nya ngayon at nakagaan iyon sa aking pakiramdam. But what's with the sudden change?

Iminwestra niya ang katapat nya upuan kaya umupo ako doon.

"Ano bang pag-uusapan natin?" una na akong nagsalita dahil nakatitig lang sya sa'kin. Naku-conscious tuloy ako. Parang  nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa paraan ng mga tingin nya.

"It's about what happened in Tagaytay."

Agad ang pagdagundong ng kaba sa aking dibdib. Pilit kong binabasa ang emosyon sa kanyang mata pero wala akong makita. Naging blangko iyon di gaya ng kanina.

"What did they do to you? Ako ng humihingi ng paumanhin."

I'm really guilty for how my dad acted. Hindi nya dapat sinaktan si Pierre. Di ko maiwasang maghinanakit sa kanya. But his still my father I can't be angry with him.

"They want me to marry you."

My eyes went wide and my jaw drop. Parang bombang sumabog iyong sinabi nya na nagpayanig sa'kin.

No. They can't do this. Hindi nila pwede pangunahang ang buhay ko.

Yes! If it was another situation, I won't even have a single doubt marrying him. Eh, hindi nga kami okay na dalawa. Dahil sa ginawa nila ay baka mas lalo pang magalit sa'kin si Pierre. Mas mahihirapan pa ako dahil sa ginawa nila.

"You don't have to Pierre. I'm sorry."

Mabilis akong tumayo at umalis. I have to talk to my parents. Di nila pwedeng gawin to.

"Mariah."

Narinig ko ang pagtawag nya. Saglit akong napahinto dahil mula ng nagkita kami uli ay ngayon ko lang sya narinig na sinambit ang pangalan ko. Pero agad din akong tuluyang umalis.

I have to make a way para di madagdagan ang galit ni Pierre sa'kin.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon