special chapter

533 33 41
                                    

mariah's pov

"hoy! mukha kang tangang ngiti'ng-ngiti dyan. ano ba meron sa phone mo?"

napakurap-kurap ako at mabilis na itinago ang aking cellphone.

"ah! wala. nakakaaliw lang 'yon binabasa ko."

binigyan naman nya ako ng di naniniwalang tingin.

"binabasa mo? mukhang kilig na kilig ka. ano ba 'yon?"

para naman akong nasukol at ilang saglit pa na nag-isip ng palusot.

"basta." ani ko.

"eh, patingin ako." pangungulit nya. ba't makulit 'to ngayon.

"ayaw ko nga. may phone ka naman."

"damot mo naman. pero wag na nga lang. alam ko namang kakornihan puro yang binabasa mo. ba't ba ang hilig mong magbasa ng ano na nga yon?"

napairap naman ako.

"wattpad." tugon ko sa kanya.

he tsk-ed. "girls really. ang hilig nyo sa romantic stories. hindi naman totoo." pinanliitan ko naman sya ng tingin. bakit ba ang bitter nya sa love? o talagang nakokornihan lang sya.

"tigilan mo na kakawattpad mo. wala kang makukuha dyan."

inirapan ko naman sya. anong walang makukuha, eh sa wattpad na nga lang nagkakatotoo ang pangarap ko.

ang imagination ko sa love story namin ng lalaking gusto ko. love story naming dalawa.

sa wattpad lang nangyari na magkaroon kami ng love story kasi sa tunay na buhay malabo. hindi naman nya kasi ako napapansin eh.

kaibigan lang ang tingin nya sa'kin.

ang saklap.

"hey! pierre, tara na. practice na tayo."

sabay naman kaming napatingin sa teammates nya na tumatawag sa kanya. varsity sila ng basketball sa school namin.

"nandyan na." tumayo sya kaya agad akong nakaramdam ng kalungkutan. sandali palang yong time na nakasama ko sya. istorbo naman yang practice na yan. "bye! mariah. inggat sa pag-uwi."

i nodded and he went off. sinundan ko naman ng tingin ang papalayong pigura nya saka ako nagpakawala ng malalim na hininga.

"pierre, kailan kaya mangyayaring mapapansin mo rin ako at matutupad na ang pangarap kong love story natin? hindi yong hanggang wattpad lang?"

*

an: atsuuu! namiss ko ang #PierRiah. megeshhh! i want more of them. ehehehemmm! watch out guys. 😊

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon