Part 3

59 4 0
                                        


Pabagsak kong inilapag ang tray ng inorder
kong pagkain at agad umupo. Narito ako sa
cafeteria na sobrang daming tao pero ang
poor naman ng service. Like duhh...



Anong klaseng spaghettie to? Mukhang
inilublob muna sa inidoro bago nilagyan ng
sauce.


"Eww." Nakangiwi kong sambit habang
tinusok-tusok ng hawak kong tinidor ang
bawat hibla ng spaghettie.



Mamaya pa ang klase namin kaya tambay
muna ako rito pansamantala. Nakatitig lang
ako sa entrance ng door ng cafeteria kaya di
ko namalayang nasa tabi ko na pala ang
bestfriend kong si Levi at paulit-ulit akong
kinukulit.





"Morgan..."



"Ohh?" Walang tingin-tingin kong sagot
dahil nakatingin pa rin ako sa pintuan.
Baka anytime pumasok ang grupo ni Faye at
dumugin na naman ako dahil sa mga
pesteng sulat na di naman talaga sa akin
galing.





"Morgan..."






"Ohh? Ano bang---"




"Wahhhh!!! Hindi mo naman sinabi sakin
na may lovelife ka na palaa!!" Biglang
niyugyog ni Levi ang balikat ko sabay sakal
sa akin.
Para akong mamamatay sa sobrang brutal
nya.






"Say what?! Ano bang sinasabi mo? Teka,
bitawan mo muna ako pwede? Hindi ako
makahinga!" Reklamo ko at sinamaan sya
ng tingin. Napatigil sya sa ginagawa nya
nang marealize nyang sinasakal na nya ako.





"Ooopsss sorry. Na-excite lang. Pero
bes...huhuhuhu. Totoo ba?" Mangiyak
ngiyak nyang sabi. Kumunot naman ang
noo ko.





"Alin ang totoo?" Tanong ko pa dahil wala
talaga akong ideya sa sinasabi nya.
"Na ikaw at si Yuan ay..." Pinanlakihan ko
sya ng mata at napatingin sa paligid.








Sht. Ano bang pinagsasasabi nila? Pati si
Levi nahawa na rin ng balitang yun.
May ideya akong buong campus alam nang
ako daw ang admirer ni Yuan at sumusulat
sa kanya.

I will never do that!


"Wag kang maingay."




"T-totoo?" parang maiiyak nyang tanong.





"Geez. Pati ba naman ikaw Levi? Utang na
loob. Syempre hindi!" mahina kong
paliwanag saka napakamot sa ulo.
Bwisit. Problema to. Bakit ko pa kasi
inamin yun? Yan tuloy, image ko pa ang
masisira.





"Ahh...eh, bakit sabi nila?"




"Don't believe them. I'll kill you if you do
that." mataray kong sambit kaya napangiwi
sya.




"Funny Morgan. By the way kaya ko
naitanong yan kasi..." napakamot sya sa
kilay at parang nahihiya pa.




"Kasi?"


"May sasabihin ako..."



Naghihintay ako ng sunod nyang sasabihin
nang mapatingin ako ng di sinasadya sa
pintuan ng cafeteria. Nakita kong papasok si
Yuan at ang kaklase kong si Simon.
Nagsisimula nang magtilian lahat ng babae
sa loob.





"Holy cow..." mura ko nang makita kong
itinuro ni Simon ang direksyon kung saan
ako nakaupo. Tumingin rin naman si Yuan
sa kinauupuan ko.





"Morgan ano kasi---"




"Mamaya mo na sabihin saken. For now,
let's go!" natataranta kong pinutol ang
sasabihin nya saka hinatak sya palabas ng
cafeteria. At sa may fire exit pa kami
dumaan.





"Waittt!!" saka ako napatigil sa pagtakbo
dahil sumigaw si Levi.
Napabitaw na pala sya sa kamay ko at
humihingal na itinaas ang kanang kamao.




"Isa pang takbo, tatama na'to sayo!" hamon
nya at sinamaan ako ng tingin. Nagpeace
sign naman ako.





"Grabe kang tumakbo. Di ko kinaya bes!"
dagdag pa nya.
Humihingal rin akong napasandal sa pader
na nasa tapat lang naman namin.





"Sorry." sambit ko na lamang.



"Bakit ba kelangang tumakbo ka pa? At
hinila pa ako! Bestfriend's goal ba ito ha?"
sarkastiko nyang sambit.




"Nakakita lang ako ng...multo." sagot ko at
napangiwi.




Bakit nga ba ako tumatakbo? At bakit ko
yun tatakbuhan? Sht. Napaghahalataan
tuloy na guilty talaga ako.
Argh.



"Anyway ano nga pala yung sasabihin mo
saken?" Pag-iiba ko na lamang ng usapan.


Natahimik bigla si Levi at umiwas ng
tingin.



"W-wala yun. Kalimutan mo na. Hehe."



Awkward nyang sabi saka napakamot s ulo.



Hayy. Pambihira talaga tong si Levi.




"Ano? Tara na? Male-late na rin ako sa
klase ko." Hinila nya ako sa gitna ng
hallway para sabay na kaming pumasok sa
kanya kanyang room.






***

Handwritten [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon