"Always remember, kapag may nagpasulat
ulit sayo, basahin mo muna. Hindi yung
babanat ka na agad ng pagsulat." paalala
saken ni Yuan sabay kumpas ng kamay nya
sa ere.
Tumango tango na lang ako."Sana maalala ko yang pinagsasasabi mo
pagkatapos." boring kong sagot saka
humikab."May poor memory ka ba?" tanong nya
kaya napatingin ako sa kanya at ngumisi."Parang ganun na nga." sarkastiko kong
sabi."Tss. Antukin."
"Ha?"
"Wala. Kyut mo nga." nagpout siya kaya
binatukan ko."Ouch! Isa pang batok hahalikan ulit kita!"
Napatahimik na lang ulit ako at
napabuntong hininga."Paano?"
sambit ko ng wala sa sarili."Paano ang?" pagtutuloy nya.
"Kung sakaling mahanap at makaharap mo
na ang admirer mo, pwede bang..."Napalunok ako at napatungo.
Kaming dalawa lang naman ang nasa loob
nitong locker room kaya walang ibang
nakakarinig ng pinag-uusapan namin."Pwedeng ano?"
"Pwedeng lubayan mo na ako?" sabi ko saka
sumandal paupo sa mga locker na nakatabi
namin.Umupo siya katabi ko at sumandal rin.
"Bakit? Kelan ba ako naging attached sayo?"
tanong nya pabalik."Ewan. Basta wag mo na akong guguluhin
pati ang handwritten ko." tumawa ako ng
pilit."Ang ganda." mahina nyang bulong na rinig
ko naman."Ng?"
"Mo."
"Haha. Easy bruh, kanina kyut, tapos
ngayon maganda naman? lols." biro ko at
siniko siya.Nakita ko siyang ngumiti at pumikit.
"Ang ganda ng handwritten mo." seryoso
nyang sagot kaya natahimik ako ulit.
Saglit na napangiti at pumikit rin.Dear Yuan,
Paano ko ba to sisimulan? Balak ko na
kasing magpakilala sayo. Hindi ko lang
alam kung paano, saan, kailan. Natatakot
ako sa magiging reaction mo. Natatakot ako
na baka ma-disappoint ka. Haha,
nakakalungkot lang dahil ramdam kong
nahuhulog ka na sa iba. At palagay ko
hindi AKO yun.UnknownxXx
Hart hart kayo ni Morgan kanina ah.
_________________
SHUT UP Simon.
_________________
Haha, bakit? Narealize ko lang na bagay
talaga kayo. At perfect dating place nyo ay
sa locker roon. Pfft!_________________
Lol.
_________________
May napag-usapan lang kami kanina. No
malice._________________
Alam ko bro. Pero, ano ba talaga ang
nararamdaman mo?_________________
Ano ba sa tingin mo?
_________________
Ewan. Feelings mo yan e.
