Part 8

43 3 1
                                        


Hindi ako makapaniwala. Sa sobrang wala
ko sa sarili lutang pa rin akong nagpahatak
sa kanya.
Buti na lang narealize kong di ko pala
kaclose ang isang to.


"Uhmm, pwede mo na sigurong bitawan ang
kamay ko?" Wala sa sarili kong sabi sa
kanya kaya napatigil siya sa paglakad.
Medyo malayo na rin ang nalakad namin
mula sa locker room. Tiningnan niya ako
ng seryoso sabay abot sa akin ng mga gamit
ko.
Shutanginamisss.





"S-salamat pala."



Papokerface kong sabi at tumalikod na para
bumalik ng classroom. Wearing my
pokerface is the best mask to hide the
feeling I feel right now pretending that I
don't care about his damn presence.



Alangan namang ngumiti ako ng
pagkalapad lapad sa harap ni Yuan? Edi
mas lalo lang nyang maiisip na ako nga ang
dakila nyang admirer? Duhh.




Nakakailang hakbang na ako nang marinig
ko ang boses nyang tinawag ang pangalan
ko. Nanlaki bigla ang mata ko dahil hindi
lang nya basta tinawag ang pangalan ko.





Buong pangalan.


Full name.





Wala pang ibang tumatawag sa akin sa full
name ko since birth. Kahit professor namin
Morgan ang tawag sakin.



So bakit ang lakas ng loob ng lalaking to na
banggitin ang sagrado kong full name? Tss.
Napatigil ako sa paglakad saka humarap
ulit sa kanya. Napakaseryoso pa rin nya.





"Sinong nagsabi sayo nyan? Saan mo
nalaman?" Kunot noo kong tanong pero di
sya sumagot.
Pero sigurado akong ang walangyang Simon
na yun ang nagsabi sa kanya. Ggrrr.
Humanda ang mokong na yun sa akin.




"P-pakiulit nga?" Sabi ko kung tama nga ang
pagkakarinig ko.





"Moreen Ganessa?"






Sa pagkakataong ito ay di ko na napigilang
mamula na parang kamatis.
Hindi dahil sa kilig kundi sa inis.
Napatungo ako dahilan para matakpan ng
mahaba kong buhok ang mukha ko pero
wala akong pakialam.




Wala pang sinuman ang tumatawag sa akin
sa ganyang pangalan.






"Bakit mo binanggit?" Walang emosyon
kong tanong habang nakatungo at ikinuyom
na ang kamao.




"Sabi mo."




Hindi ko mapigilang mapangiwi sa naging
sagot nya.
Hindi na rin ako nagpaligoy ligoy pa at
sinunggaban na sya ng sapak sa sobrang
asar. Agad naman syang nakailag!
Linsyaaak!







"Uy! Ano ba! Teka oy!"





"Wag mo akong matawag tawag na Moreen
Ganessa dahil di naman tayo close! Wala
akong paki kung iniligtas mo pa ako sa mga
amazona mong fan girls! Wala akong paki
kung sikat ka! Basta pag nahawakan ko
yang mukha mo hahambalusin ko yan ng
libro! Grr. Ano---"






"Gusto mo lang hawakan ang mukha ko e."





Napatigil ako sa paghampas sa kanya dahil
sa sinabi nya. Anak ng tokwa!
Ano bang pinagsasasabi ng isang to? Mas
lalo lang lumala ang pagkainis ko sa kanya
kaya sinapak ko sya. Nagkataon kasing
nahawakan nya ang kanan kong kamay
pero yung kanan hindi.







"Ouch!"





"Asa." Asar na sambit ko saka tumigil na sa
pagsalvage sa kanya.
Wala rin namang mananalo samin. Baka
lalo ko lang syang mapatay at makulong pa
ako. Kawawa naman ang class officer
namin.
Wala nang masipag na secretary. Psh.




Handwritten [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon