Part 1

119 6 0
                                    


***

"Maniwala kayo, hindi ako ang sumulat nyan."

"Wag ka nang in denial pa Morgan. Sure akong sayo ang handwritten na to, so meaning ikaw ang sumusulat kay Yuan."

"Anong pinagsasasabi niyo?"

"Kilala ko ang sulat-kamay mo. Umamin ka na kasi ikaw ang mysterious admirer na nagpapadala ng loveletter sa locker ni Prince Yuan namin!"

Humikab muna ako bago inilibot ang tingin sa mga babaeng nakapalibot sa akin. Tila inip na inip na sa pag-aantay ng isasagot ko.

"Pakiulit nga?" inaantok at boring kong sabi at pinauulit lahat ng sinabi nila sa harap ko. Pasensya naman. Ganito talaga ako pag inaantok. Hindi ko kasi gaanong naintindihan. Pinagbibintangan ba nila ako?

"Grrr. Umamin ka na Morgan. Hindi ako nagbibiro!" halos mamulang bulok na kamatis ang mukha ni Faye sa inis sa akin.

"Ano bang dapat kong aminin?" walang
kaide-ideya kong sagot saka napakamot sa ulo. Humikab ulit ako sa harap nila para mas lalo silang maasar.

"Na ang handwritten mo at ang
handwritten ng admirer ni Prince Yuan ay iisa! Ikaw yun diba?! Sabihin mo na ang totoo!" Talsik laway na bulyaw ulit ni Faye.

Mas lalo lang akong napakamot sa ulo at napangiwi. Sira ba ang tuktok nila? Ako? Admirer ako ng authistic na yun? Bwisit. Ni hindi nga ako marunong magcompose ng loveletter. Duhh.

"Tell me the truth!" Nanlilisik na ang mata nya.

"Fine." Walang emosyon kong sabi at
isinukbit na ang bag ko para lumabas ng room.

"Anong fine?"

"Apple? Fineapple." Sarkastiko kong banat.

"I'm not joking here Morgan. Ano?! Diba ikaw yun?!"

"I'm not joking here too Faye." Banat ko pa.

"What?! Hindi mo pa aaminin?!"

Wala akong aaminin kasi hindi naman
talaga ako yun. At never magiging ako yun. Peksman! Bwisit. Sino bang sender ng putragis na mga loveletter na yan?
Pepektusan ko!

"Excuse me." Balak ko nang umalis pero
mas pinalibutan lang nila ako. Nakakasuffocate peste.

"Pag di mo inamin lagot ka sa fans club ni Prince Yuan at patay ka samin." Pagbabanta nya. Death treath ba yan? Para namang mamamatay talaga ako.
Nakangiwi akong napatingin sa kanila.

Alam kong hindi nila ako palalabasin
hangga't di nila naririnig ang sagot ko kaya para matapos na to...




Umakyat ako sa ibabaw ng teacher's table at nakapamewang na sumigaw.


"Ako nga ang admirer ng prinsipe nyo! At sakin galing ang lahat ng mga loveletters na yun! Masaya na kayo?!"

Labag man sa kalooban ay naisigaw ko
habang nakatingin sa kanilang lahat.

"Sabi na nga ba---teka? So totoo nga?!"

Laglag panga silang napatingin sa akin na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Ako nga rin e. Hindi makapaniwalang inako ko ang handwritten na hindi naman saken.

Ugh. I so hate myself.

"Girls narinig nyo yun?" Baling ni Faye sa mga alipores nya. Nagsitanguan naman lahat.

"Aaahhhhhhh kill her!!!" Tili ni Faye at
nagtilian na rin lahat.




Bago pa ako mapaslang ng buhay ay diretso labas na ako sa pinto at kumaripas ng takbo para takasan sila.
Malayo na ang natakbo ko nang mapatigil ako sa pagtakbo saka pinitik ang noo ko.





"Shet Morgan. What the hell did you do?" Problemado kong tanong sa sarili ko. Fck. Hindi ko naman talaga handwritten yun pero bakit umamin ako?


Ugh, now Yuan's fan girls will kill me literally.



Literally.

***

Handwritten [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon