Part 12

39 5 0
                                        


Tumunog ang pagsara ng locker ko nang
kunin ko mula dun ang isang box ng cake
na sadya kong i-bake kaninang madaling
araw.
Kumakain ba ang tukmol na yun ng cake?

Don't get me wrong, ginawa ko lang naman
ang cake na to para pasalamatan sya at
wala ng iba pang rason.

Maya maya pa ay nakita ko ang paparating
na si Yuan na diretso bukas ng locker nya.
Agad akong humarang at ini-offer sa kanya
ang kahon na naglalaman ng cake. Nagulat
naman sya sa biglaan kong pagsulpot.

"Salamat din sa teddy bear." ngumiti ako ng
tipid.
Seryoso siyang nakatitig sa akin at
mayamaya, gumuhit sa mukha nya ang
tipid ring ngiti.

"Salamat din." tinanggap nya ang box saka
isinara ang locker nya.

"Is this a box of cupcakes?" sinilip silip niya
ang laman ng kahon as we made our way
papuntang classroom.


"No. I'm not good in baking cupcakes." sagot
ko na lamang at napaiwas ng tingin habang
nasa likuran ang dalawang kamay.


"Huh? Pano nangyari yun, eh araw-araw
naman yun ang iniiwan sa locker ko?"
sunod niyang banat.


"Ha?"

"Wala. Wala ba tong naka-attach na letter
ngayon?" sunod nyang sambit kaya
napatigil ako sa paglakad.

"Just kidding."



"Weird mo." Nasabi ko na lamang.
Nang makarating kami sa may room ng mga
regular class, hindi man lang siya sumilip
sa room nila. Dire diretso pa siyang
naglakad na akala mo hindi siya dun
papasok.


He's kind of a weird.


Saglit akong tumigil nang makalagpas si
Yuan sa kanilang classroom habang sya
patuloy pa rin sa paglakad. Tumigil rin siya
nang mapansin niyang nakatigil na rin ako.




"Lagpas ka na." Turo ko pabalik sa mga
taga-regular class.


Science class naman ako kaya alam ko kung
saang room kami.


"Alam ko. Ihahatid lang kita sa room nyo."
Halos mapatigil ako sa kinatatayuan ko
habang sya naman nakatitig sa akin.


Seryoso? Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Ano? Tara na."
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala
ulit siya sa harap ko at agad hinila ang
kamay ko.
At hindi ko mapigilang mapangiwi dahil
narealize kong magkahawak kamay kaming
naglalakad sa may hallway.















Nakangiwi ako habang sinisipsip ang
slurpee na baon ko. Andito ako sa loob ng
cafeteria at nagpapasalamat akong kokonti
lang ang tao.

Hindi ko makakasama ngayong buong
maghapon si Levi dahil nagmamaster sya
ngayon sa baking class.
Well, sort of, performance nya ngayon kaya
sabi ko bigyan nya na lang ako ng isang box
ng ginawa nyang cupcakes bilang offer sa
pang-iiwan nya sakin ngayon.
Psh. Yung tipong ang tahimik ko talaga pag
wala ang bestfriend ko.
Bigti na bhe.






Just then I saw Faye and her group goofing
around. Isinawalang bahala ko na lang yun
dahil wala naman akong ginagawang
masama.
Kahit ang madalian nyang paglapit sa akin
at pagtapon sa akin ng iniinom kong
slurpee.
Agad akong napatayo at suminghap singhap.
Here it goes again.



And this time wala si Levi para ipagtanggol
ako.
Kaya dapat matuto akong ipagtanggol ang
sarili ko.



"How sad, wala ang besprend para
ipagtanggol ang kawawang ikaw."
Tiningnan ko lang sya ng masama saka
tinabig ang isang plato ng spaghettie dahilan
para madumihan ang suot nyang uniform.




Handwritten [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon