"Magsorry kayo sa kanya." narinig ko ang
seryosong utos ni Yuan kina Faye na
nakatayo kaharap ako."Bakit kami ang magsosorry? Ako na nga
ang nasira ang mukha, ako pa ang
magbababa ng pride?!" matigas na sagot ni
Faye at pumadyak pa."Just say sorry nang matapos na to.."
kalmadong gatong ni Simon.
Halos matawa ako sa pagmumukha ngayon
ni Faye at ang apat nyang alipores.
May kanya kanyang band aid na nakatapal
sa mukha."Mag-aapologize ka lang naman Faye!
Tingnan mo nadamay rin kami! Ang gaga
mo talaga!" Mahinang bulong ng alipores
nya.
Hindi ko mapigilang di mapatawa ng
mahina."Bakit ako lang?! Ako lang ba ha?!" Ganti ni
Faye at masamang tiningnan ang apat
nyang kasamahan na nagsitunguhan na."Bahala kayo, inaaksaya nyo lang oras na
ibinigay ko." Walang emosyong sambit ni
Yuan at napatingin sa wristwatch nya."Okay fine!! I'm sorry!! I'm soorry sa inyo
special mention kay Moreen Ganessa."
Parang maiiyak nyang paumanhin saka
napatungo.
Napapokerface naman ako. Kelangan talaga
full name ganun? Nakaka-ano ahh!"Sorry. Di namin gusto na masaktan at
siraan kayo. Prince Yuan ang gusto lang
naman namin ay mapabuti ang lovelife mo
ee. Kasi fan mo kami sobra sobra tapos
hindi mo man lang kami magawang
pansinin. Kaya nang malaman namin na
may admirer kang ginagawa ang lahat,
sinubukan naming siraan sya sayo."Paliwanag nya. Halos tumulo ang uhog at
luha nya sa pagpapaliwanag. Bumuntong
hininga naman si Yuan at saka tiningnan
sila isa isa."You don't need to. May mga bagay na
dapat ako lang ang makaalam at hindi nyo
na kelangang panghimasukan pa ang
personal na buhay ko. Hope you understand
that." Tipid na ngumiti si Yuan sa kanila
habang ang lima halos lumubog na sa
kinatatayuan.Sa sobrang hiya sa ginawa nila. Nakacross
arm naman si Levi at nakangisi na parang
nagwagi sa lotto dahil kita nya kung paano
kainin ni Faye ang sarili nyang pride.
Napailing naman ako.I guess, ayos na naman ang lahat.
Ayos na.
Ayos na rin kaming lahat.Hai Goodmorning!!
Sorry dahil hindi talaga ako marunong
gumawa ng letter e. Pagpasensyahan mo na.
Pero I think dahil espesyal ka (pwe!) Nag-
effort ako. At ikaw na rin ang may sabi na
you're not looking forward to the content,
but on my handwritten.
Gusto ko lang sabihin, thank you. Thank
you kasi of all the girls roaming around
you, ako pa talaga ang pinili mo. Yung
babaeng wala namang ibubuga pagdating sa
ibang bagay.Yung babaeng ang lakas ng trip talo pa ang
nakahithit ng katol. Yung babaeng
warfreak. Yung babaeng minsan palamura.
Yung babaeng antukin at makakalimutin.
Sht. Nilait ko na ang sarili ko. But honestly,
hindi ko rin naman akalain na gugustuhin
rin kita. Dahil bukod sa ang yabang mo
nung una, ang sungit sungit mo pa at gusto
talaga kitang kutusan. Pasensya na rin kung
namumura kita bruh, e kasi nakakaasar ka
na. Pero sa di malamang dahilan gusto ko
rin sanang sabihin, gusto rin kita.
Geh yun lang. Stay what you are. Yung
tukmol na gago na panget na mukhang paa
na lalaking nakilala ko na nagpabago ng
ikot ng mundo ko at naging dahilan ng
pagiging abnormal ng tibok nitong puso ko.
Yuan Alvarez I HATE YOU! (with a heart
)Into you,
Morgan.
Isiningit ko ang nakatuping papel sa loob ng
locker niya at naglakad na papunta ng
classroom.
Tulad ng dati nakapasak na naman ang
headset ko sa magkabilang tenga. High
volume pa ang tema dahil trip ko. Bakit ba?
