Pagkatapos nyang sabihin yun ay sabay
sabay na silang nag-exit ng mga alipores
nya.
Napangiwi ako saka napahawak sa dibdib."Dapat na ba akong kabahan?" Tanong ko sa
sarili ko at napatingin kay Levi.Mayamaya ay hinatak na nya ako palabas.
"Thank you pala kanina Levi." Pagdadrama
ko sa kanya at niyakap pa sya ng mahigpit
mula sa likod.Andito kami sa comfort room dahil
inaantay nya akong makapaglinis at
makapagbihis.
Narinig ko ang mahina nyang buntong
hininga saka kumawala sa yakap ko. Weird
nya ha? May nagawa ba akong masama?"Totoo ba?" Humarap siya sa akin na may
seryosong mukha.
Napakunot noo naman ako."Alin?"
"Na ikaw ang sender?"
Nanliit agad ang mga mata ko."Wag mong sabihing naniwala ka kaagad sa
kanila?" Tanong ko pabalik.
I heard her chuckled."Of course not. Sinisigurado ko lang bes.
Ayokong...napapahamak ka. Tulad kanina.
Alam mo namang kinabahan rin ako."
Parang maiiyak nyang sagot."Awtts. Sobrang caring mo bes. Labyuu
talaga."Kahit sobrang korni na ng atmosphere ay
nagyakapan pa rin kami.
Hindi lang kasi ako makapaniwala na
nagawa akong ipagtanggol ng bes ko sa
grupo ni Faye kahit alam ko naman na
fragile rin tong si Levi deep inside at iyakin
pa.
Nakakatouch."Haha! Tama na nga Morgan! Di na ako
makahinga." Kumawala kami sa yakap ng
isa't isa."Basta kapag inaway ka ulit nila. Tawagin
mo lang ako. Itatapon natin sila sa Bermuda
Triangle and they will vanish forever!"
Sambit nya."Levi, vanish lang. Walang forever!"
Natatawa kong banat.
Nagtawanan kami lalo.Sabay kaming napalingon nang biglang
sumulpot si Kash sa harapan namin. Sa
sobtang gulat ay halos mapatalon at
sumigaw na kami.
Hinawi nya muna ang mala-butterfly style
nyang buhok saka nagsalita."Tingin kayo sa labas. Hindi kayo
maniniwala!" Pabulong nyang sabi.
Kami naman tong nacurious agad sumilip.
At napanganga na lamang ako sa naaninaw
ko."Si Yuan ba yan?" Rinig ko ang boses ni
Levi. Nanatili akong tahimik."Yes, Yuan is kissing Faye. Wait! I mean,
Faye is kissing Yuan."
Rinig ko ang mahinang pagsagot ni Kash
habang nakasilip rin."Ohmy." Si Levi naman ang nagsalita at
nagtakip pa ng kamay sa bibig.
Halos hindi kami makapaniwalang tatlo sa
nakikita kaya ako na mismo ang nagsara ng
pinto ng comfort room."Bakit mo sinara?!" Reklamo ni Kash na
parang nabitin pa sa pinapanood."Hindi sila character ng kdrama so don't
bother to watch over." Asar kong sambit."Ohmygod. I just can't believe! They're
horribly kissing each other!"Panay boses nina Kash ang naririnig ko
habang ako napaupo sa sulok at
napabuntong hininga.No.
Haha. This can't be..
I'm not freaking...
![](https://img.wattpad.com/cover/107941533-288-k942173.jpg)