Part 5

58 3 0
                                        



May pinagtataguan ka ba Morgan? Pansin
ko lang." tanong ni Levi sa akin habang
naglalakad kami sa hallway.



"H-ha? Wala noh." depensa ko saka
napatingin sa paligid.
I need to protect myself. Kung marami
silang nambabash saken kagabi, I'm pretty
sure mas marami sila ngayon.


Yeah, I'm pertaining to Yuan's fans.
Mala-ninja style pa rin akong naglalakad
nang umiba ng direksyon si Levi.


"Oy Levi! San ka dyan?"



"Sa locker room. Dadaanan ko lang yung
Economics book ko. Bakit, sasama ka?"
yaya pa nya pero agad akong umiling.



"No thanks. Diretso na ako sa room namin."
tanggi ko.



Mahirap na at baka doon ko pa sila
makasalubong. O baka naman andun na
sila sa tapat ng room at hinihintay na lang
ako? Gaaasshh.
Nakakaparanoid.



Nagpatuloy na ako sa paglalakad mag-isa.






"Basta bibigyan na lang kita ng updates
pre."



Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw
ko ang kaklase kong si Simon. May kausap
siyang lalaking estudyante ng regular class
at nakaharang sila sa gitna ng hallway na
daraanan ko.


Parang napitpit na luya naman ang mga
paa ko dahil oras narealize kong ang
kausap nya that moment ay si Yuan. Hindi
ako makalakad at parang may pumipigil sa
paa ko na dumaan doon dahil oras na
lagpasan ko sila, mapapansin ako ni Yuan.



Teka?
Paki ko ba?



Dadaan lang naman ako ah. Err? Tss.



"Sige pre. Mamayang break time ulit."





Nakita kong nagfistbumps sila sa isa't isa
saka tumalikod na si Yuan para bumalik sa
room nila. Eto pa rin ako. Tulala at di na
yata kikilos hangga't di pa pumapasok ng
room ang Yuan na yun.
Nasa ganoong sitwasyon ako nang madako
ang tingin ni Simon sa kinatatayuan ko di
kalayuan sa kanila.





"Ohh Morgan! Kanina ka pa dyan?!"




Napalakas ata ang pagkakasabi nya kaya
otomatikong napalingon si Yuan sa
direksyon ko.




"Ayy...haha. Sorry Yuan. Napalakas ang
boses ko." Sabi nya sa mapanuksong tinig
sabay palipat lipag ng tingin sa pwesto ko at
sa tapat ng pinto kung nasaan si Yuan.




Hanggang sa magkatitigan kami.
Gusto ko nang maagnas ngayon din. O kaya
naman sana magteleport na lang ako
papunta sa room namin para maiwasan ko
ang sobrang samang tingin ni Yuan sa akin.


Emotionless.




Yan ang nakikita ko kahit saang anggulo ng
mala-alien nyang mukha. Ni hindi man
lang ngumiti. Ugh. Sabagay, di nga pala
friendly ang isang to.




Pero bakit ganun sya makatingin? Baka
iniisip nyang ako nga talaga yung admirer
nya.


Duhh.
As if I will.


Mamatay na sana ang ingrown ko sa paa
kung sakaling mangyari yun.












"Ehem. It's already 8:30. Late na tayo. Tara
na Morgan, sabay na tayong papunta ng
room."




Si Simon ang bumasag sa awkward
atmosphere na kasalukuyang bumabalot sa
buong hallway.
Nakahinga ako ng maluwag dahil dun at
agad napatungo. Umiwas na naman ng
tingin si Yuan saka tuluyan ng pumasok sa
room nila.





Handwritten [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon