-Morgan-
Hindi ko alam kung bakit tumatakbo ako.
Kanina pa ako takbo ng takbo at di ko alam
kung saan ako balak dalhin ng mga paa ko.
Basta ang alam ko kelangan ko lang
makalayo sa kanila. Nakakatawa lang dahil
iniisip kong sa pamamagitan ng pagtakbo
ko, matatakasan ko rin ang nararamdaman
ko.Nakita ko sila, magkayakap,
nagkukwentuhan at masaya.
Saan ba ako huhugot ng lakas para sabihing
nasasaktan nga ako?
Wala, ang weird kasi parang ang sakit ng
puso kahit ramdam ko naman na masaya
ako para kina Yuan at Levi.Sa dami ng pwede kong takbuhan mas
napili ko ang magtago rito sa loob ng locker
room.
Madilim at tahimik. Wala akong ibang
naririnig kundi ang tibok ng dibdib ko
maging ang paghabol ko ng hininga.Gusot na nga ang uniform kong suot, ang
dami ko pang pasa at gasgas na nakuha ko
kanina sa pakikipagbangayan kina Faye.
Nagmumukha tuloy akong kaawa-awa rito
e. Napakamot na lang ako sa ulo ko at
napangiwi.Muntanga lang. Bakit pa kasi ako tumakbo?
Sumandal ako sa mga nakahilerang locker
at napatingala.Ngayon alam na ni Yuan ang totoo, siguro
naman back to normal na bukas.
Oo nga, siguro ganun ang mangyayari.
Agad akong napabuntong hininga.
Ang problema ko na lang, kung paano ko
sila haharapin ng hindi nasasaktan."Morgan."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si
Yuan na nakatayo di kalayuan sa akin.
Sa di malamang dahilan ay biglang kumirot
ang puso ko."Yow." tipid na bati ko at napaiwas ng
tingin.
Narinig ko ang yabag ng paglapi nya pero di
ako lumayo."Salamat nga pala dito." nagulat ako nang
bigla niyang iabot ang isang crumpled paper
na kung di ako nagkakamali ay handwritten
ko na naman.Nakita ko rin ang pag-flash ng malapad
nyang ngiti."Don't tell me hindi rin sayo galing to?"
Iwinagayway niya ang papel na sinulatan
ko nung araw ng writing contest.
Napaiwas na lamang ako ng tingin para di
ko makita ang reaction."Ano naman? Layuan mo na ako." diretso
kong sabi pero ibang sagot ang narinig ko
na syang ikinagulat ko mismo.
Taliwas sa inaasahan ko."Gusto kita."
Napalingon ako sa kanya habang sya ay
seryoso paring nakatitig sa akin."Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko gusto
kita." pag-uulit nya sa napakalakas na tono
kaya napatakip ako sa magkabila kong
tenga at sumigaw."OO NA! HINDI AKO BINGI! GUSTO RIN
NAMAN KITA E! KASO MAY LEVI KA NA
KAYA LUMAYO KA NA SA AKIN PLEASE
LANG!"
Tili ko at napapadyak."Makinig ka muna Morgan." pagpapakalma
nya.
Tumigil ako at napasandal ulit sa lockes na
katapat ko lang."I'm such a weirdo if I say I fell inlove with
you handwritten literally. Ang ganda kasing
tingnan, nakakaengganyo basahin...basta.
Di ko maexplain." paliwanag nya. Hindi na
lang ako umimik."Si Levi sobrang effort nya para mapansin
ko lang. Ikaw, wala ka pa ngang ginagawa
nakuha mo na agad ang puso ko eh. Haha.
Korni right? You're...effortless." lalong
lumakas ang kabog ng dibdib ko."You're different." dagdag pa nya sabay
tingin sa akin."Thankful ako kasi naintindihan ako ni
Levi. And I hope mahanap rin nya ang mas
deserving kesa sa tulad ko."
Napakunot ang noo ko."What do you mean?"
He chuckled."Ang hina mo talagang makagets. Diba nga
sabi ko ikaw yung gusto ko?" natatawa
nyang sagot habang pinipisil ang pisngi ko."Morgan I like you."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya
naitikom ko na lang ang bibig ko.Ilang minuto ko syang sinipat sipat ng
tingin at mayamaya ay bigla na lang
tumulo ang luha ko sa di malamang
dahilan."Hala? Umiiyak ka ba? Uy Morgan?" mas
lalo lang akong naluha nang yakapin nya
ako palapit sa kanya.
Hanggang sa ang mga luha na yun ang
naging dahilan ng paghikbi ko."Sorry na." malambing nya sambit at
hinaplos ang magulo ko nang buhok."Langya, ikaw kasi e!" paghihimutok ko at
mahina syang sinuntok."Luhh? Bakit ako?" natawa na lang ako
kahit umiiyak pa rin.
At wala pa yata akong balak kumawala sa
yakap nya."Morgan..."
"Hmm?"
"Gusto nga kita."
"Unli?"
"Hindi. Gusto ko lang ulit-ulitin."
"I like you too."
"HA?! ANONG SABI MO? PAKIULIT NGA?!"
"Shut up bruh. I will not repeat it again."
"HAHAHA kyut mo."
Napabitaw kami sa yakap ng isa't isa nang
dumating sina Levi at Simon."Seems like may forever na ata?"
nakangising bungad ni Simon."Levi..." pagkatawag ko pa lang sa kanya ay
tumakbo na agad sya palapit sa akin."Happy for you bes." kumindat sya at
ngumiti."Ano kasi--"
"Oopps! Wag kang mag-alala, okay na ako.
Basta ba magiging okay na ang lahat e."
tinawanan na lang namin ang isa't isa
habang sya nakangiwi na."What's up with that look?" taas kilay kong
usisa."Anyare sayo bes? Don't tell me inaway ka
na naman nina Faye?" pagtatanong nya at
sinipat ang buong itsura ko.One word bruh.
Haggard."Hindi bes. Sila ang niresbakan ko." sagot
ko atsaka napangisi.***