Part 15

35 3 0
                                        


"Kumusta na ang damdamin?" bungad ko
kay Levi na kakatigil lang sa pag-iyak at
iniabot sa kanya ang lata ng malamig na
softdrinks. Tinitigan nya muna ito bago
kunin mula sa kamay ko.

"Pampalamig ng pakiramdam." dagdag ko
pa.

"Salamat." ngumiti siya ng tipid nang
makaupo ako sa tabi nya.

"Kelan pa?" walang lingon lingon kong
tanong sa kanya.

"H-ha?"

"I mean, kelan ka nagsimulang humanga
kay Yuan?" tanong ko dahilan para mamula
siya at mapatungo.


"Nagsimula yun a month ago. Tapos
naisipan ko, na magpadala ng mga sulat sa
kanya. Kaso naisip ko rin ang panget ng
handwritten ko. Ayun, naalala mo?
Nagpapasulat ako sayo."

Napatango na lang ako at napawa nang
marealize ngang nagpapasulat siya sa akin
dati.
Yung mga korni na loveletters na sabi nya
for personal purposes lang, yun pala
nilalagay na nya sa locker ni Yuan.

"Naalala mo na bes? Medyo makakalimutin
ka e." napakamot sya sa ulo.

"Konti." sagot ko. Nagpatuloy lang sya sa
pagkukwento at tahimik naman akong
nakikinig.

"Araw-araw yun, nagmamala-ninja moves
ako tuwing maglalagay ng sulat sa locker
nya at sasamahan ko pa ng mga nai-bake
kong cookies at cupcakes."

"At tuwing kasama naman kita hindi talaga
ako nagpapahalata. Sinasabi ko sa sarili ko
bawal kiligin kapag andyan sya. Haha! Pero
bes, minsan di ko mapigilan."

"Masaya akong tanawin lang sya sa malayo
kahit ganun ang sitwasyon. Kung pano nya
tanggapin yung mga pinapadala ko, sobrang
saya ko na rin."



"At Morgan, hindi ko alam pero tingin ko,
natututunan ko na rin syang...mahalin--"
Bigla akong napaubo dahilan para mailuwa
ko ang iniinom kong softdrinks.

"Uy Morgan, ayos ka lang?"

"Morgan?"

Itinaas ko ang kanan kong kamay habang
ang isa naman ay napahawak sa dibdib ko.

"Okay lang. Okay ako." sambit ko na
lamang.

"So yun nga. Ang gaan sa damdamin. Kasi,
nasabi ko na sayo." nakangiti nyang pag-
amin.
Bumuntong hininga muna ako atsaka
nagsalita.

"Kay Yuan na lang ang hindi."

"Uhuh."

Bigla akong tumayo na syang ikinagulat
nya.

"Tara." walang emosyon kong alok.

"Saan?"

"Sa kanya. Aamin ka na." ngumisi ako at
agad na syang hinatak paalis ng rooftop.





Garden.
ASAP.

<sent to Yuan>


Pagkasend ko ng text message kay Yuan ay
nagpakawala ako ng malalim na buntong-
hininga.
At itinago na ang phone ko sa bulsa.

"Morgan sigurado ka ba sa gagawin natin?
Masyado akong kinakabahan. Saka ko na
lang kaya aminin?" namumutlang saad ni
Levi kaya halos matawa ako sa reaksyon
nya.

"Hanubayan bes, nakilala kitang palaban.
Pero bat pagdating kay Yuan natitiklop ka?"
natatawa akong napailing.

"Hindi kasi ganun kadali yun."

"Alam ko. Kaya mo yan."

Hinawakan ko si Levi sa magkabilang
balikat at nginitian ng pagkalapad lapad.

Handwritten [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon