Dear Yuan,
Grabe! Hindi ko napigilang di kiligin nang
bigla kang pumasok kanina sa loob ng
cafeteria. Bat ang lakas ng appeal mo? Yan
tuloy, daming nagsigawang babae kanina.
Hindi ako tumili. Baka mahalata mo lang
ako. Mas mabuti nang manahimik muna at
tingnan ka sa malayo.Loyal sayo,
UnknownxXx
______________________
"Mygaaaaaddddd!!!"
Tili ko na parang kinikilig sabay salampak
sa kama at niyakap yakap ang unan ko. Di
ko mapigilang magngiting aso dahil sa
wakas makakapanood na rin ako ng
Kdramas!Para na akong timang makasigaw dahil
excited na ako sa magiging ending ng
pinapanood ko. At mamaya uumpisahan ko
namang panoorin ang bawat episodes ng
Legend of the Blue Sea.Salamat na lang at nagkaload na rin ang
laptop ko sa wakas. Ang tagal kong hinintay
to.
Pero bago yun, magla-log in muna ako sa
facebook to check some episodes. Kagat-labi
akong naghintay magloading sa newsfeeds
nang mapamura na lang ako sa nakita ko."The fck?" I curse.
500+ friend requests
245 messages
1k+ notifications
Asfgkmlmofs!!!!
Laglag panga akong napatulala sa screen ng
laptop ko. Ngayon lang to nangyaring
makatanggap ako ng ganito karaming
requests, messages at notifs!
What the hell is going on?Messages muna ang una kong binuksan at
halos lumuwa agad ang mata ko nang
mabasa ko ang ibang private messages.WAHHHHHHHHH!!!!
TOTOO BANG IKAW YUNG UNKNOWN
SENDER NG LOVELETTERS PARA KAY
PRINCE YUAN??!YOU BITCH!
ANG KAPAL RIN NG MUKHA MONG
MAGPA-IMPRESS SA PRINSIPE NAMIN! WAG
KANG MAGPAPAKITA SAMIN, BAKA
MASALVAGE KA LANG!WAG KA NG UMASA MORGAN. DI KA NYA
MAPAPANSIN. INGROWN LANG KITA SA
PAA, TANDAAN MO YAN.ANG TAAS NG CONFIDENCE MONG UMAMIN
NA IKAW YUN NOH? FYI, PANGET KAYA NG
HANDWRITTEN MO. DUHH...DEAR MORGAN...
ANG DAMI MO NANG BASHERS. SAKLAP.
PAKAMATAY KA NA LANG BES.
PS- GOODLUCK.That's what you get freak.
Now, stop sending nonsense loveletters to
our prince.
-from Faye
(Just now)Ipinilig ko ang ulo ko sa sobrang shock.
Puro pambabash ang nababasa ko sa
message box at every minute, wari ko'y
nadaragdagan pa ang mga ito dahil sa mga
bagong messages.
Ghaaaaadd.This is all mess!
Ini-off ko agad ang chat sabay punta naman
sa notifications na sabog na sabog na rin.
Yung 1k kanina nadagdagan pa.Nieca Neza posted on your timeline.
BRUHA KA BHE! IKAW LANG PALA ANG
ADMIRER NI PRINCE YUAN! KAPAL NG
MUKHA MO! BLAH BLAH BLAHH...Alcoriza Pixiedust tagged you in a post.
ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ!!!!
HANDWRITTEN MO LANG PALA YUN
MORGAN. DI KO AGAD NAPANSIN. SHIT.Hindi ko na kinaya pa ang mga nakikita at
nababasa ko kaya ora-mismo ay naisara ko
ang screen ng laptop. Lupaypay akong
napahilata sa kama ko sabay lagay ng
kanang kamay sa noo."Oh ano ba tong napasok ko?"
Sambit ko sa
sarili ko at ipinikit ang mga mata.Sa pagmulat pa lang ng mata ko ay
tumambad sa akin ang mukha ni Levi.
Siomai, anong oras na? Parang kanina lang
problemado pa ako dahil sa natuklasan ko
kagabi. Tapos ngayon panibagong araw na
pala?
Oh hell.Sana matulog na lang ako habang buhay. I
can't face the reality!"Bat andito ka?" Inaantok kong tanong
atsaka humikab."Bes nakalimutan mo? May pasok ngayon!"
"Alam ko..."
"Ohh, e bakit hanggang ngayon nakahilata
ka pa rin? Kanina pa ako ritong ala sais.
Alas otso na uy!" Reklamo nya at hinatak
hatak na ang kumot ko."Sabi kasi ng kama ko, matulog pa raw
ako." Boring kong sagot kaya ngumiwi siya."Ang sabihin mo, tinatamad ka lang."
Sarkastiko nyang sambit saka padabog na
umupo sa dulo ng kama ko.Bumangon na rin ako at umupo pero di ko
pa rin inaalis ang kumot na nakabalot sa
katawan ko."Levi di ako papasok. Lalagnatin ata ako."
nakangiwi kong sabi.Pakiramdam ko tuloy magkakasakit talaga
ako at nafefeel ko ring di pa ako
nakakapasok ng school gate mamaya ay
baka patay na ako dahil sa sampal at
sabunot mula sa mga fan girls ni Yuan.Fish tea! Ayokong mangyari yun. Mahal ko
pa ang buhay ko."Bakit? May nangyari ba?" tanong nya.
Oo nga pala. Hindi alam ni Levi na
masasalvage ako oras na makasalubong ko
sila sa hallway. Huhu."Aish! Wag ka na ngang mag-inarte.
Papasok ka ngayong araw dahil nag-effort
akong hintayin ka! At isa pa wala akong
kasabay! Dali!" nagulat na lang ako nang
simulan na akong hilahin ni Levi sa
direksyon ng bathroom."Leviiii! Aabsent ako today!"
"No way!"
"Leviii?!!"
Nang maipasok nya ako sa bathroom ay
agad nyang inilock ang pinto mula sa labas."Buksan mo'to bes! Kung gusto mo
umabsent ka na lang din para quits tayo!"
suggestion ko saka paulit-ulit na pinukpok
ang pinto."Ayoko nga. Tapos ano? Bestfriend's goal na
naman tayo nyan? Now, take a bath. Don't
you dare na matulog dyan sa loob. I have
my blade bes." banta nya kaya napasandal
na lang ako sa nakasaradong pinto at
sumigaw dahil talo na naman ako.***
