SEVENTEEN

37.7K 313 15
                                    

"Ha? What do you mean? Bumalik? sino?"

"Yung nangyari noon? Yung aksidente. Napanaginipan ko na naman,"

"What? After 2 yrs ng huli mong napaginipan yun diba? Paanong nangyari yun?"

katulad ni Claire ay hindi ko rin alam. Claire knew everything. Bawat detalye. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong naalala sa aksidenteng nangyari sakin noon. Ang natatandaan ko lang ay medyo blurred na bulto ng lalaki.

"Ou, hindi ko alam. Ang naalala ko lang yung nag black out kagabi,"

"Gosh. May phobia ka pala sa dilim. Ibig sabihin dahil yun sa dilim kaya napanaginipan mo na naman panaginip mo noon. Pero may kakaiba compare before?"

Nire call ko uli ang nangyari. Isa lang naman ang nag-iba at sobrang linaw pa.

"Ou, si Dave! Nandun siya sa panaginip ko!"

Hindi katulad ng dati. Noon ay katawan lang ang nakita ko kanina ay mukha na ni Dave.

"What? How come na napunta siya sa panaginip mo eh alam naman nating wala siya before ka maaksidente,"

Alam kong ang lahat ng panaginip ko ay connected sa nangyari sakin noon. Sabi daw ng doctor ay matagal daw bumalik ang ala-ala ko pwedeng mag pop in lang o di kaya panaginip. At sa mga panaginip ko ay nararamdaman kong parang totoo ang lahat. At it was confirmed by my doctor posible daw na may connection ang nangyari noon sa mga panaginip ko.

"Yun nga ang iniisip ko eh,"

Palakad lakad ako. Inalala ko muna kung nagkita naba kami bago ako maaksidente. Pero 99% sure akong hindi ko pa talaga siya nakatagpo.

"Tinanong mo ba siya?"

"Hindi eh. Alam mo namang di pa ako ready na magkwento. But something is weird,"

"Weird?"

"Nakita ko sa mga mata niya kanina na parang takot siya pero nawala rin,"

Ang reaksyon nito ay kakaiba. Pero mabilis ding umiba.

"Hindi kaya guni guni mo lang yun?"

"Nope, hindi lang once but twice!"

"Hindi kaya nagkakilala na kayo before?"

"I doubt it. Dapat naaalala ko siya if ganun nga. 99% sure. You know me when it comes to people mabilis akong makaalala ng mukha kahit once ko lang sila nakilala,"

"Hindi kaya nasobrahan lang pantasya mo kay Dave?"

"Gg! Sobra naman kung ganun,"

"Ang mabuti pa bumalik ka na lang sa doctor mo para malaman mo talaga ang nangyayari sa'yo,"

"Mabuti pa siguro,"

Dahil kung maghuhulaan lang kami ni Claire ay hindi makokompirma ang mga tanong sa isipan ko. Kung bakit ito lumabas sa panaginip ko. Bakit ang taong noong walang mukha ay itsura nito ang pumalit. At bakit parang may takot sa mga mata nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong sa susunod na mga araw ang mga katanungang ito ang magiging laman ng puso at isip ko. At hindi titigil hangga't wala akong malaman. At hindi dapat malaman ni Dave ang tungkol sa panaginip ko. I'll ask him carefully if nagkita na ba kami before at sadyang naging parte ito ng nangyari sakin noon at kasama ito sa mga nabura.

Dahil sa ngayon ay hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ay panaginip ko dahil sa kakaibang reaksyong sumagi sa mga mata nito.

"Besh?"

Nakalimutan ko palang nasa linya si Claire. Nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip which is unusual.

"Hmmn?"

"Wala kabang ikekwento sakin?"

Dinig ang excitement sa tinig nito. Alam ni Claire na manonood kami ni Dave ng movie at marami itong sinagest na gawin ko daw.

"Walang nangyari. Haller! Di ba nag brown out?"

Sayang nga yung kagabi kung saan excited na ko, dun pa talaga panira ang brown out.

"Ay oo nga pala. Speaking of brown out. Don't tell me tumahimik lang kayong dalawa sa sofa. Im pretty sure di mo siya bibitawan dahil takot ka sa dilim!"

"Actually we slept together,"

Parang may butterflies na nagsiliparan sa ibabaw ng ulo ko. Thinking that he hugged me so tight last night made me so happy. Ang takot ko sa dilim ay naibsan dahil na divert ang isip at pakiramdam ko sa katabing kong gwapo. Well, he said that he never left me last night until this morning.

"Ay wow! Yun naman pala naka punto ka naman eh! ayeeeeehhhh!!!!"

Sumigaw ito ng todo at bigla ko namang inilayo ang telepono sa tenga ko.

"Hoy! pwede ba pakihinaan ng boses gusto ko bang marinig niya tayo?"

"Tsika ka! As if naman wala siyang kamalay malay sa kalokohan mo,"

"Tse!"

"Hhaha. Sigurado ramdam mo pa ang yakap niya hanggang umaga ba naman,"

"Gg. Hindi ko alam. Kasi pagkagising ko wala siya sa tabi ko,"

"Ha? Nauna siyang gumising? Takot sigurong makita mo siyang nakayakap sayo,"

"Like duh. As if naman isusumbong ko siya kay mommy. Pero sabi niya nag-alinlangan siyang iwan ako kagabi dahil alam niyang takot ako sa dilim,"

"Teka. Paano niya naman nalaman na takot ka sa dilim? Akala ko ba wala siyang alam sa mga panaginip mo?"

"I told him that im scared,"

"But isn't it weird? You are no longer a kid dahil kahit matulog ka lang ng sobrang lalim ay pwede ka niya iwan. But he never leave you because he is sure that you are really scared or something might happen. Gets ko ba ako?"

And it shoot me. Claire is right? How come he knew im so scared of dark when he can leave me while im sleeping. At pwede rin nitong isipin na parte lang yun ng kalokohan ko para makasama ko siya. Omg. Everything is getting weird. Hindi kaya may alam ito?

Nagtsikahan pa kaming dalawa ni Claire. Pagkatapos ay nagbihis ako at bumaba na.

Sa ngayon ay itatago ko muna sa sarili ang mga katanungan sa isip ko. Kailangan ko munang dahan dahanin ang lahat.

Naabutan ko si Dave na may kausap sa telepono. Hindi niya siguro napansin ang presensya ko.

"Yes. I'm sure she didn't remember either,"

Napa-isip naman ako bigla sa sinabi ni Dave. Anong ibig niyang sabihin?

"O Cassy. Nandito kana pala? Kanina kapa ba diyan?"

VOTE AND COMMENT.

Author's note: Emgee natagalan ng update si author. Sarreh talaga. Don't worry babawi ako. Thank you readers.

by @iam_irresistable

Seducing My StepfatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon