Nagising siya ng bandang alas singko ng hapon. Masakit ang mata niya dahil sa kakaiyak kanina. Parang dinuduyan pa siya. Dahan dahan siyang tumayo para buksan ang ilaw sa kwarto ng biglang mabunggo ang paa niya sa maliit na kabinet sa gilid ng pinto.
"OH SHIIITT!!!"
Napasigaw siya ng wala sa oras.
"Fudge!"
Parang nagising bigla lahat ng senses niya.
"Aray!"
Tiningnan niya ang paa. Namula ng kaunti.
"Ay! bwesit ka talaga,"
At sinipa ang walang buhay na kabinet.
"Kung minamalas ka nga naman o,"
Siguradong bukas ay guguhit ng munting itim sa paa niya. Bumuntong hininga na lang siya at ipinikit ng mariin ang mga mata. Hindi niya dapat ituon sa kabinet ang galit niya.
Pumunta siya sa kama niya at umupo. Kinuha ang sebo de macho at inilagay sa paa. Mamaya ay lalagyan nya ito ng cold compress.
"Krrrrriiiinnnngg"
Hinanap niya ang cellphone. Natandaan niyang nasa bag niya pala inilagay. Dahan dahan niyang kinuha ang bag sa sahig. Ayaw niyang magka strike 2 ang paa niya.
"Hello?"
"Hi bes!"
"Hi Claire,"
"Kamusta na? Bakit parang ang lanta mo ngayon? Akala ko ba nasa cloud 9 ka ngayon?"
"Hmmmn,"
Bigla ay pinigilan niya ang sarili na ikwento dito ang nangyari dahil first of all my problema din ito at ayaw niyang dumagdag pa. Kaya naman magpapanggap siya ngayong masaya.
"Hhaha. Lol. I'm okay! Medyo masakit lang kasi ang paa ko sa kakalakad kanina sa patag,"
Pinilit niyang pasiglahin ang sarili kahit na ang totoo ay hindi.
"Naku! Akala ko ba naman war kayo ni papa Dave. Btw kamusta? Ano nakabokya kaba?"
Kahit na anong patawa nito ay parang walang epekto sa kanya.
"Tse! Wala ah. Naku ikaw ang dumi talaga ng utak mo,"
"Ayieeeh. Talaga? Hmmn,"
Patuloy lang ito sa panunukso sa kanya at panghuhuli. Sa huli ay bumigay na rin sya at ikinwento dito pero hindi lahat syempre.
"Teka. Kailan ka pala uuwi?"
Napanganga siyang ng wala sa oras. Hindi niya pala nasabi ditong nasa bahay na sila.
"Actually kakauwi lang namin kaninang umaga,"
"Ha? Akala ko ba 1 week kayo dun? Anyare?"
"M-meron kasing urgent meeting si Dave eh kaya umuwi na lang kami kaysa naman maiwan akong mag-isa dun,"
She prayed na sana kagatin nito ang rason niya.
"Ah ganun ba. Well good to hear that. Since nandyan ka sa bahay niyo pupuntahan kita dyan?"
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"We are going to party tonight!"
"Ha?"
"Yuhoo. Yeah you heard me. Kaya mamayang 10pm ipipick up kita dyan sa bahay niyo,"
"Pero baka...."
Huminto sya sa sasabihin. Bakit naman niya kailangan ng permiso ni Dave? Hindi na siya minor kaya gagawin niya ang gusto niyang gawin kahit na tumutol man ito. Or else she'll do anything para lang hindi siya nito pigilan.
BINABASA MO ANG
Seducing My Stepfather
General FictionSeducing My Stepfather is the first Story of Montenegro Empire Series [R-18] "Living with you was like hell because seeing you everyday made my heart beats faster and it aches me everytime I see your pretty face. But I know that one day you will b...