"Saan ka pupunta?"
"Sa kwarto!"
"Let's have a lunch first. Nakapag reserve na ko dun,"
Tinuro nito ang isang restaurant na malapit sa hotel nila. Aba ang loko hindi man lang ako hinintay na makasagot at basta basta na lang umalis. As if naman susunod ako sa kanya.
Grrrk
Tss! Kung hindi lang sana nagrereklamo ngayon ang tyan ko pwera na kakain ako kasama siya.
Grrrk!
"Oo na kakain na!"
"Yes mam?"
Napatingin ako agad sa nagsalita. Empleyado siguru ng hotel.
"Ha?"
Nahiya naman ako bigla. Susme! Iisipin siguro nito na naloloka na ko. Ngumiti na lang ako ng tipid at umalis.
Pagdating ko sa sa loob ng restaurant ay nakita ko agad si Dave na nakaupo sa pangdalawahang lamesa. Prang itong lalaki na naghihintay sa kadate nito. Sa suot nitong sando at swimming shorts ay para itong modelo na artista.
At mukhang nakakuha nga ito ng maraming atensyon dahil nakatingin dito ang mga babaeng sa kabilang mesa.
Aba! Aagawan pa talaga ako!
Nagmartsa agad ako papunta sa kanya.
"Hi!"
Ngumiti ako ng malapad. Hmmn.
Sorry girls pero taken ko na ang gwapong ito!
At aba ang hudyo tiningnan lang ako at nag smirk! Kainis!!!
"Pumili ka ng gusto mo,"
Ibinigay niya sakin ang menu. Ay pasalamat siya gwapo siya!
"Nakapili kana ba?"
"Kanina pa,"
Talaga nga naman o. Tinopak na naman siya siguro. Eh dapat nga ako ang mainis dito dahil sa inakto nito kanina at ito pa talaga may karapatang mang-inis.
Pumili na lang ako ng pagkain. Konti lang wala na kong gana.
"Yan lang ang kakainin mo?"
Hindi na ko sumagot. Gusto mo pala mang-inis ha. O sige tatapatan kita.
Dumating na yung pagkain namin. We started eating eating. Hindi kami nagkibuan. Parang dalawang tao kaming hindi magkakilala at nagkataong wala ng mesa kundi makishare na lang.
Nang matapos kaming kumain ay naghanda na kaming umalis pero malas naman dahil bumagsak ng pagkatodo todo ang ulan. Kaninang papunta kami dito ay maulapin na kaya expected na naming uulan. Pero hindi yung ganito ka todo.
Naku mukhang hindi kami makakalabas ng hotel pagnagkaganito. Panu ko makakasamang mamasyal si Dave? Aiiist.
"Mabuti pa ay hintayin muna nating humupa ang ulan,"
Pero 3 hrs na kami sa loob ng restaurant at hindi pa rin humihinto ang ulan.
"Umalis na lang kaya tayo ngayon? Feeling ko hindi na to hihinto eh,"
"Magkakasakit ka,"
"Edi dito kana lang. Maghintay ka ng ilang oras dito,"
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad na tumakbo palabas ng restaurant. Actually hindi naman masakit sa balat ang ulan. Naisip kong wag na lang munang dumiretso sa hotel. Pumunta ako malapit sa dalampasigan. I stopped and feel the rain.
BINABASA MO ANG
Seducing My Stepfather
General FictionSeducing My Stepfather is the first Story of Montenegro Empire Series [R-18] "Living with you was like hell because seeing you everyday made my heart beats faster and it aches me everytime I see your pretty face. But I know that one day you will b...