Feeling ko ano mang oras ay mamamatay ako ng walang kalaban laban. Napakahigpit ng hawak sa akin ng kung sino mang tao. Halos hindi ako makahinga.
Nagpupumiglas ako.Pilit nakumawala sa bisig ng kidnapper pero hindi ko kinaya ang lakas nito. Para itong bato. Hindi rin ako makasigaw dahil natatakpan ang bibigko. Nanginginig ako sa takot.
Dave!
Hindi ko alam kung bakit pero ito ang pangalan na nasa isip ko ngayon. Pero hindi niya ko maririnig.
Kinagat ko ang daliri ng tao.
"Ouch! F*ck!"
Napasigaw ako ng biglang itapon niya ko sa damuhan. Nanginginig ang katawan ko sa takot.
"Ha! Ang galing rin pala ang timing ng Fiance ni Claire. Tamang tama at masosolo kita ngayon Cassy,"
Kahit madilim sa kinaroroonan ko ay alam kong pamliyar ang boses ng lalaki. Pilit kong minulat ng malaki ang mata ko. Napanganga ako sa nakita. Hindi nga ako nagkamali. Si William nga!
"Anong gagawin mo sakin?"
"Gagawin? Well maglalaro tayo babe,"
"Pls William maawa ka. Pakawalan moko!"
Humalaklak ito ng todo at tiningnan ako sabay ngisi.
"That's why you caught my attention Cassy. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi. Ika nga sa mga tula, parang musika,"
Napaiyak ako ng todo.Nakakatakot ito para itong demonyo.
"Pls William. Pakawalan mo ko! Ano ba ang kasalanan ko sayo?"
Kahit anong isip ko ay wala akong naalala na nagging kasalanan ko sa kanya at yun ang ipinagkakataka ko.
"Marami Cassy. Sinaktan mo to,"
Itinuro nito ang dibdib.Ibig sabihin ay ang damdamin nito. At hindi ko maintindihan kung bakit dahil hindi ako ang naging girlfriend nito kundi si Claire.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo,"
"Hindi mo ba naalala before? Nang kami pa ni Claire? Nakipaglapit ako noon kay Claire dahil sayo Cassy. Niligawan ko sya at naging kami. Pero hindi mo ba napapansin na ikaw palagi ang nilalapitan ko?"
"H-hindi kita maintindihan,"
"Palagi mo nga akong kinakausap pero iba ang iniisip mo. Sinabi mong may mahal kang iba! Alam mo bang halos madurog ang puso ko noon sa sobrang sakit? Pinaasa mo ko!"
Napaatras ako ng bigla itong sumigaw. Hindi ko maintidihan ang mga sinasabi nito. Kahit kailan ay wala akong naalalang may pinaasa. At hindi ito nanligaw sakin o nagtapat man lang.
"N-no,"
Unti-unti siyang lumapit sakin.Umigod naman ako paatras.
"Hindi mo ba naalala ang box na pinapadala ko sayo araw araw noon? Laman noon ay ang paborito mong tsokolate,"
Naalala ko nga. Last year ay may naglalagay ng box of chocolates sa locker ko pero puro tula lang ang nakalagay at walang pangalan kung kanino nanggaling. Hindi ko akalaing ito pala ang nagpapadala nun. Pero kinilabutan ako lalo ng maalalaang box ng chocolate na natanggap ko nung birthday ko.
"I-ikaw rin ba ang nagbigay ng patay na ibon na nakalagay sa kahon nung birthday ko?"
Humalakhak ito ng todo.
"Naalala mo nga! Napakagaling ng ideya ko. Ibig kong ipaalala sayo kung pano mo ko sinaktan gamit ang patay na ibon na yun Cassy. At mukhang naalala mo nga! HAHAHAHHAHA,"
It was the most horrible and unforgettable gift I ever received in my whole life. Simula noon ay na trauma nako kaya hindi nako tumatanggap ng regalo kahit kanino. Kahit sa mga kaibigan ko pa galing. Natatakot akong mangyari uli iyon.
"Pls William. Maawa ka,"
Unti unting pumatak ang mga luha ko. Takot at sobrang kaba.
"Never kong nalaman na may gusto ka sakin noon. Wala kang sinabi. I thought mahal mo si Claire kaya kinakausap kita noon. Pero I'm telling you hindi kita pinaasa kung yan ang iniisip mo,"
"Shut up! Ayokong marinig ang sasabihin mo Cassy! Sinaktan mo na ako. Pinahiya mo ko sa mga kaibigan ko!"
Umiling iling ako. Mukhang hindi ang damdamin niya ang nasaktan ko kundi ang ego nito. Napaiyak ako ng todo dahil galit na galit itong lumalapit sakin at ano mang oras ay may gagawin siya sakin. Napapikit nalang ako. Wala na kong magagawa kundi tanggapin ang ano mang mangyari sakin.
Dave pls help me!
Pero napasigaw ako ng biglang bumulagta ito sa damuhan.
At tumingin ako sa taong humampas dito. Its him. He came to save me.
At dahil sa takot at pagod ay unti unting pumikit ang mga mata ko. At bumalot ang kadiliman sa paningin at isip ko.
Napakadilim. Tanging ang liwanag ay galling sabuwan. Bawat ihip ng hangin ay tumatayo ang balahibo ko hindi sa lamig kundi sa kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. May naririnig ako ng mga yabag sa likod ko at unti unting bumalot ang kaba sa puso ko. Hindi ako lumingon o gumalaw man lang. Malakas ang mga tunog ng bawat yabag nito. Ibig sabihin ay napakalapit na niito sakin. Pinanatili ko ang sarili. Pumikit.
Pero bigla akong nagulat ng biglang may yumakap sakin. Ang braso nito ay bakal sa sobrang kisig. Napakahigpit ng pagkakayakap nito. Ang bisig nito ay napakalaki na halatang alaga sa gym. Humawak lang ako sa mga kamay nito. At sa pagkakataong iyon ay nawala ang takot ko at napalitan ng ginhawa dahil sa piling ng lalaking ito ay alam kong safe ako.
Unti unti kong idinilat ang aking mga mata. Tanging ilaw na galling sa lampshade ang nagsilbing liwanag. Nakaramdam ako ng sikip at parang may yumayakap sakin. Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang taong katabi ko. Laking gulat ko ng makilala ito.
"Dave?"
Anong ginagawa niya sa tabi ko? Bakit niya ko niyayakap? Biglang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako sa noo ko at may bandage akong nahawakan. Binalikan ako ang nangyari. Naalala kong muntikan na pala akong mamatay kanina. Biglang binalot ng kaba at takot ang puso ko. Nangingilabot. Ang huli kong naalala ay nakita kong bumulagta si William at si Dave naman ay nakatayo sa harap ko. Naalala kong sinambit ko ang pangalan niya at dumating agad ito. Paano nangyari yun.
Tiningnan ko si Dave na nakayakap sakin. Mahimbing ang tulog nito at ang lapit lapit ng mukha nito sa mukha ko.
Thank god he saved me. Siguradong patay na ko kung hindi pa ito dumating. Naalalako si William. Anong nangyari dito?
"Ouch!"
Biglang kumirot ang noo ko. Napakagat labi ako. Bumuntong hininga at kinalimutan muna ang nangyari.
Pinagmasdan ko si Dave. Napakagwapo pa rin nito kahit na natutulog. At utang ko ditto ang buhay ko. Inilapit ko ang bibig ko sa pisngi nito at hinalikan.
"Thank you,"
Mahina kong sabi at niyakap ito. I closed my eyes and dream of happy things and forget one of the worst nightmare of my life.
VOTE AND COMMENT PO :-)
By
BINABASA MO ANG
Seducing My Stepfather
Fiksi UmumSeducing My Stepfather is the first Story of Montenegro Empire Series [R-18] "Living with you was like hell because seeing you everyday made my heart beats faster and it aches me everytime I see your pretty face. But I know that one day you will b...