One week lang ang itinagal ng funeral ng mommy niya. Hinintay lang ang mga relatives at kakilala ng pamilya nila bago ito dalhin sa huling hantungan nito.
Ilang days na rin syang malungkot at walang mabuting tulog. Naging busy sila sa pagtanggap ng bisita at pag-aasikaso ng lahat. Hindi rin nabigyan ng pagkakataong magka usap sila ni Dave na sila lang simula ng lumabas sila ng ospital.
At napansin niyang iniiwasan siya nito sa pamamagitan ng pagiging busy nito. Pero sa tingin niya ay okay na rin yon. Hindi mabuti ang naging unang kumpronta nila kahit na nag explain ito ng side ng mommy niya.
But he didn't explained his side at all.
At hindi din siya ready na magkausap sila ng masinsinan.
Umakyat sya sa kwarto niya. Pero hindi siya natuloy dahil nahagip ng mata niya ang kwarto ng ina. Doon sya dinala ng mga paa sa mismong harap ng pinto. She opened it, tanging ang lamp shade lang nito ang nakabukas. Hindi niya din in-open ang ilaw. Ayaw nyang masyadong malungkot kapag nakita ang buong laman ng kwarto. Her mom's memories.
Naupo sya sa kama. God! How she missed her so much. Gusto niyang pigilan ang pagpatak ng luha pero hindi niya pa rin naagapan at tuluyan siyang napaluha. She uttered a prayer for her mom and dad. They are now in the hands of the Lord, happy and watching her.
Lumabas siya ng terrace nito, pinakiramdaman niya ang sarili at hanging humahaplos sa balat niya. She closed her eyes and breathe slowly.
Then she felt someone hug her from the back, putting his face beside her head.
Napatigil siya ng paghinga. Pero walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya. At hindi rin niya tinanggal ang pumulupot na kamay nito sa katawan niya.
Tanging pintig ng puso at bawat paghinga lang nila ang kanyang naririnig at nararamdaman.
No one spoke. He even held her tight and buried his face on her neck. And it started to bring shivers thru her spine and to her whole being.
She won't deny the fact that she still care for him. And she felt protected.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganong posisyon hanggang sa di niya namalayang nakatulog na pala sya habang nakasandal sa matipunong katawan nito.
Nagising siyang mag isa sa kama niya. Madilim pa rin ang paligid, tiningnan niya ang cellphone, 4 am pa lang.
Nahiga sya ulit at pinikit ang mga mata. Trying to remember the warm hands she felt last night.
~~~~
Nagising siya ng 8am, di niya namalayan na napahaba pala ang tulog niya.
Naabutan niya ang Tita Linda niya, ang kapatid ng mommy niya, naglalampaso ito ng sahig.
"Good morning tita,"
"Ay! Gising kana pala hija, good morning din. Halika't kumain ka ng almusal mo,"
"Tita, di niyo naman pong kailangang gawin yan, ako na po ang bahala,"
"Naku! Wag ka ng mag alala, wala kasi akong magawa, alam mo namang yan lang ang libangan ko kahit sa probinsya, magkuskos ng bahay,"
Ngumiti sya bilang tugon dito. Pilya pa rin ito. Naalala niya ng bata pa sya, ay tinutulungan niya ito sa gawaing bahay at dito sya natuto ng maraming bagay.
"Si Dave po?"
"Ay maaga pang umalis ang batang yun, may aasikasuhin daw,"
"Ah ganun po ba,"
Nalungkot sya. Akala pa naman niya ang makikita niya ito ngayong umaga. Plano pa naman niyang kausapin ito.
"Napakabait ng batang yun. Sana kayo na hanggang sa huli, para naman may mag aalaga sayo hija ngayon at wala na ang mommy at daddy mo. Mukha namang seryoso sya sayo at di ka pababayaan,"
BINABASA MO ANG
Seducing My Stepfather
General FictionSeducing My Stepfather is the first Story of Montenegro Empire Series [R-18] "Living with you was like hell because seeing you everyday made my heart beats faster and it aches me everytime I see your pretty face. But I know that one day you will b...