If love is just a game for you, then I will play along with it.
I'll make you fall for me. Even if it means I'll gone good to Bad. -Van Dyke RobbinsKung ayaw mong masaktan. Ikaw ang manakit.
Kung ayaw mong maiwan. Ikaw ang mang-iwan.
That's just how it is. There's one thing I've learned in this life.
"Don't dare fall in love again."
I'm not gonna fall. I'm not gonna lose.
This time, I will not be the one who will end up crying.
This time, I will play with this "LOVE" as it plays with my life. -Peach Dylanne SyPagmamahal.
Ito ang isang bagay na sobrang kinamumuhian ng dalagang si Peach.
Para sa kanya, katangahan ang ibigay ang lahat lahat, pahalagahan at mahalin ng sobra ang isang tao. Dahil sa huli, maiiwanan lang din naman itong luhaan at sugatan.
Isa lang laro ang pag-ibig para sa dalaga. Isang larong kailangan niyang pag-ingatan.
Isang larong siya lang lagi ang dapat na manalo.Sa pagdating ng binatang si Van sa buhay niya ay ginawa din niyang itong isang hamon para sa sarili. Naging kasama niya ito sa ahensyang pinagtatrabahuhan niya. Ilang beses tinangka ng dalagang akitin ito ngunit lagi siyang nabibigo. Pero hindi iyon dahilan para siya ay sumuko, hindi ang katulad ng binatang si Van ang makakapagpabagsak sa kanya. Hindi ang katulad nito ang muling makakapagpaluha sa kanya. Dahil simula ng araw na iyon, pinangako niya sa sarili niyang hindi na siya masasaktan ng kahit na sino. Dahil hindi niya kailangan ng sinuman para lang muli pang maiwan.
Pero paano kung hindi pa din mahulog sa kanya ang binata, bagkus ay siya ang mahulog dito
Paano kung sinakyan lang din ng binata ang larong sinimulan niya?
Mapipigilan niya ba ang muling pagpatak ng luha sa mga mata niya kung mismong puso na niya ang nag-uudyok sa mga ito para mag unahang lumabas sa mga pisngi niya?
Handa na ba ulit siyang sumugal sa larong hindi niya alam kung may pag-asa ba siyang sumaya?
BINABASA MO ANG
Bad Enough For You (Revising)
Teen FictionIf love is just a game for you, then I will play along with it. I'll make you fall for me. Even if it means I'll gone good to BAD. -Van Dyke Robbins Kung ayaw mong masaktan. Ikaw ang manakit. Kung ayaw mong maiwan. Ikaw ang mang-iwan. That's just...