KABANATA XVIII

212 11 0
                                    

Peach POV

Ang malas! Kung kailan ako may shooting. Saka naman ako masisiraan ng sasakyan.

Ayaw magstart ng kotse ko. And i don't know why. Hindi naman ako mekaniko para malaman kung anong sira nito. Isa pa. I'm going to be late.Wala na akong oras magpagawa pa!

I called a staff and asked the directions and what kind of vehicle i would ride on.

I think i can keep up with it. Kaya ko namang makapunta. After kong sumakay ng tricycle papunta sa terminal, sumakay naman ako ng FX. Deretso na daw kasi ito sa site namin. Sabihin ko lang sa driver.

40 minutes na byahe.

It's already 8:00 AM. The photoshoot is at 9:00 AM

Aabot pa naman ako. Ayoko kasi sa lahat. Yung late. I hate being late.

"Manong. Pakibaba ako sa may Mercenaries ha." Sabi ko sa Driver.

"Ok po ma'am."

"Da. Malayo pa tayo?" Napatingin ako sa nagsalita.

It was a child. A 7 or 8 years old child I guess. He was so cute. I mean they are so cute. Dalawang batang lalakeng chubby at isang tatay. Nakakainggit tingnan.

"Oo." Nakangiting sagot nung tatay sa anak niya. Then he continued texting.Siguro katext niya yung asawa niya.

"Da. Kakain tayo pagbaba?" Pangungulit nung isa.

"Kakakain lang natin. Ikaw nga nakaubos nung donuts." Sagot naman nung isa.

"Sa bahay na tayo kakain. Mom is waiting for us." Bigla namang sabi nung tatay.

"Dun tayo bababa sa may KFC diba Da?"

"Oo." Sagot ulit nung tatay.

"Da. Naiihi na ako."

"You'll pee at the KFC once we arrive ok?" Sabi nung tatay habang inaayos yung buhok nung dalawa niyang anak.

Pee? Naalala ko tuloy si Van. Langya yung lalakeng yun. Makapee sakin.

Ang bahong pakinggan. Napakasaya nila. Ang cute. Nakakatuwa. Pero bakit ako naiiyak?

I am envious. May ganito palang klase ng ama. Yung tipong they love his sons so much. Yung ama na mapagmahal. I can't resist on watching them. I've long for these scenarios. The time where I will feel a dad's love. Pero alam ko namang hindi na mangyayare yun. Mangarap pa ako.

Oo. It's just a dream. At ayoko nang umasa sa wala. Sa alam kong hindi mangyayare.

Naubos yung oras ko ng paghihintay sa panunuod sa mag-aama. Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa lugar na bababaan ko.

"Ma'am. Merceneries na po tayo." Sabi sakin nung Driver.

. Salamat Manong." Bumaba na ako sa FX.

Sinimulan kong hanapin ng mata kung saan yung shooting place pero iba ang nakita ko.

Si Van. Na naman. And he's standing in front of me.

"Ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"You're late."

"Hindi pa kaya."

"Ah. Hindi ba?" Sagot ni Van sakin.

"Topak ka oi. Saan ba yung shooting place natin?" Tanong ko sa kanya.

"Dito dito lang."

"Saan?"

"Follow me." Naglakad na siya. And i followed him as he commands! Moody eh. Nakakainis!

Bad Enough For You (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon