KABANATA XIX

208 10 0
                                    

Peach POV

"Best! It's Valentines Day! Bakit nakahilata ka pa dyan?!" Sigaw sa akin ni Jammy.

Ano ba?!

PUYAT AKO.

Ilang linggo na yung nakakaraan simula ng sabihin sakin ni Van na gusto niya ako.

At ilang gabi na din na hindi maalis sa isip ko yung sinabi niyang yun!

Nakakainis! At wala akong pakialam sa Valentines ka ek ekan na yan!

"Best!" At hindi pa nakuntento itong babaeng ito sa pagsigaw. Niyugyog pa ako ng malakas! Bigla akong umupo sa kama na ikinagulat niya.

"Oh?! Ano bang gagawin ko kung Valentines Day ha?! There's no special event like Valentines for me! Wag ka ngang mang istorbo ng tulog!" Sigaw ko sa kanya.

Humiga ulit ako at nagtakip ng unan sa ulo. Ang gulo gulo eh!

"Hay nako best! Ang bitter mo! Halika na! Get up na at mag-ayos ka. Samahan mo ako!"

This is my bestfriend. Hindi natatakot sa sigaw ko. Sa inis ko. Sa galit ko. Advantage ba yun?

"Saan ba kasi pupunta?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Sa mall. Bibili ng ingredients for chocolates?"

"Chocolates? For whom? May boyfriend ka na ba ha? Ang landi mo. Susumbong kita kina tita!" Sabi ko sa kanya.

"Hoy! Wala noh! Bibigyan ko sina tita at tito. Pati sina manong driver at manang!" Pagdadahilan naman niya.

"Sus. Bakit ka defensive?"

"Kulit nito. Maligo ka na nga! Samahan mo na ako. Bumili ka na din ng pangchocolate mo. Hindi kita bibigyan." Sabi niya sa akin.

"Ha?! Bakit? Sino bang may sabing may bibigyan ako ng chocolate?" Tuloy tuloy akong pumasok ng banyo para maligo. Napakakulit eh. Hindi ako tatantanan nito hangga't hindi ako nag-aayos.

"Sino pa? Edi yung soon to be boyfriend mo!" Rinig kong sigaw niya sakin galing sa labas ng banyong kinaroroonan ko.

Soon to be boyfriend?

Sino? Si Van?!

Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyare samin. At ayan. Nag-assume na ang loka.

"He's not my soon to be boyfriend. He's not even my type!" Sagot ko sa kanya.

Sige lang. Galingan ko lang pagpepretend! Eh kita ko na ngang hindi ako makatulog ng ayos dahil sa pesteng lalakeng yun. He can't get out of my mind!

"Oo na lang sa'yo! Sabi mo eh!" Narinig ko pang sigaw ni Jammy. Loka loka talaga.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, we went to the nearest supermarket para mamili.

"Anong mas masarap? Eto o eto?"

Pinapapili niya ako sa dalawang chocolate bars na mukhang gagamitin niya sa paggawa ng chocolates.

Chocolate na nga tapos gagawin pang chocolate. Ang gulo noh? Well. Whatever. Wala akong alam sa mga ganyan.

"Malay. Hindi ko nga alam yang dalawang yan." Sagot ko sa kanya.

"Ang KJ mo talaga! Mag-enjoy ka naman!" At nagpasway sway pa talaga siya dito sa gitna ng supermarket. Susmeyo. Parang bata ang kasama ko. Parang may alaga akong bata.

"Bilhin mo na lang ang bibilhin mo pwede? Nang makauwi na at makatulog ulit!" Sabi ko sa kanya.

"Sunget!"

Bad Enough For You (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon