Keith POV
She's really beautiful. Watching her sleep made me want to pinch her.
Yes. She's sleeping in my bed. Nakatulog siya kanina habang kinakantahan ko siya.
She requested too many songs. Halos maubusan na nga ako. I don't know what will be our status now. Wala siyang binanggit at wala din naman akong lakas ng loob na tanungin.
Ang importante ngayon, hindi siya galit sakin.
"Keith." Narinig kong tawag niya sakin.
"Hmm?" Sagot ko sa kanya.
"Don't leave me."
"I won't." Sagot ko sa kanya sabay titig sa mukha niya.
Huh? Tulog pala. Nakakatuwa naman. She's afraid of losing me. I hugged and kissed her forehead.
"Goodnight Peach. I love you."
Peach POV
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
"Uhhh. Ano ba." Kinuha ko ito at sinagot yung tawag ng pesteng istorbo sa tulog ko.
"Peste. Sino to?" Inis kong sabi sa caller. Badtrip kasi. Natutulog yung tao eh.
"Chocolait Girl." Sabi ng lalake sa kabilang linya. Zachary?
"Pee." Nagdadalawang isip pa ako kung sino sya pero he called me Pee. Si Zachary nga!
"Ano bang kailangan mo?! You just ruined my sleep!" Sigaw ko sa kanya.
"Woah. Meron ka ba ngayon? Ang init ata ng ulo mo." Pang-aasar niya pa sakin.
"Bakit ka ba napatawag?!" Nakakaasar talaga itong taong ito. Tumawag lang ata para mang-asar.
"Wala akong maasar eh." See?! Ang lakas niyang manira ng tulog!
"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya.
Nakikipag-usap pa ako kay Zachary Guy nung biglang bumukas yung pinto.
Zachary POV
"Gising ka na pala Peach. Sinong kaaway mo?" Narinig kong may nagsalita sa kabilang linya.
Kasama ni Peach. I can't stand it. Hindi ko sya nakikita. Hindi ko na napigilang tumawag to hear her voice. At tama nga. She's with that Keith.
"Wait for me please." I ended the call after i said those phrases.
Narinig kaya niya? Maiintindihan ba niya? I hope so.
Peach POV
"Wait for me please." Mahinang sabi ni Zachary.
Huh? What's with the waiting?
"Peach?" Tawag ni Keith sakin.
"Ah Keith. Wala yun. That Zachary guy called. Nangungulit lang na ewan." Sabi ko sa kanya.
"Hmm. Maybe he's interested in you?"
Ha-Ha-Ha. Maybe? That arrogant guy really have something for me. Ayaw lang aminin.
"No one can escape my charm and beauty. You know that Keith." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"You are so confident." Ngiti ni Keith sakin sabay sandal sa pinto ng kwarto with matching cross arms pa.
"Hindi ba totoo? They all love me. Even you right?"
Oops. He just stared at me. Ang tanga ko. I slipped my mouth. It's not really a banned word.
BINABASA MO ANG
Bad Enough For You (Revising)
Teen FictionIf love is just a game for you, then I will play along with it. I'll make you fall for me. Even if it means I'll gone good to BAD. -Van Dyke Robbins Kung ayaw mong masaktan. Ikaw ang manakit. Kung ayaw mong maiwan. Ikaw ang mang-iwan. That's just...