Peach POV
"Woah! Ang ganda naman dito!" Sigaw ng isa naming staff.
Yeah. Maganda nga dito. Damang dama mo ang kalikasan. Outing ng company ngayon. Pwede din naman akong hindi sumama. Kinulit lang ako nitong buwisit na lalakeng ito. Tinatamad kasi ako. Pero ok lang naman pala.Maganda naman.
"We must eat first."
Sabi ng isang medyo katandaang lalake. He's one of the major stock holders of the company. And he's also the tito of Keith. Hindi din naman kami close. I think ayaw nga niya sakin. And i don't care.
"Let's go Pee." Sabi ni Van sakin.
"Stop calling me Pee!"
Naglakad na ako papunta sa kainan. Akala niya nakalimutan ko pa yung ginawa niya kanina?! Ayaw ko nga kasing sumama dito sa outing.
Pumunta ba naman sa bahay at ginulo ang buhay ko! Tapos. Tapos. Katatapos ko lang maligo kanina. Nakita kong hawak yung underwear ko! Ang liit daw!? Manyak! Peste!
"Oi. Pee." Pangungulit niya sakin.
"Shut up. I'm eating." Hahaha. Tahimik siya eh.
Yan! Asarin mo pa ako.Matitikman mo ang galit ko! Pagkatapos naming kumain. Kanya kanya na daw kaming gala. Malawak naman kasi itong lugar na ito.
Sabi ng mga bantay dito. Yung dulo daw nito. Nandun yung falls na malake.
Boring. Wala naman akong makasama. Wala naman talaga akong kaclose dito.
"Emo." Sabi sakin ni Van.
"Shut up."
"Galit ka pa din dahil sa underwear mo? Don't worry. Walang ibang makakaalam." Tapos nakatingin lang siya sakin with his most stupid looks! Pinaghahampas ko nga!
"Nakakainis ka na ha! Ang manyak manyak mo!" Hampas lang ako ng hampas. Samantalang siya, tawa lang ng tawa.
"Ang cute mo Pee. Para kang bata." Sabi niya sakin.
Tumawa ulit siya. Siya nga itong parang bata. Baliw na bata.
"Whatever." Umalis na lang ako. Pupunta ako dun sa sinasabi nilang falls.
Ilang minuto na akong naglalakad.
"Gaano ba kalayo yun!?" Sigaw ko kay Van. Nakabuntot pa din kasi sakin. Hindi nga lang nagsasalita.Nasa likod ko lang. Napakamoody. Muntanga.
"Ewan." Sagot niya sakin.
See?! Nakapaa pa naman ako. Sakit sakit palang maglakad dito. Kawayan kasi yung daan. Nagpatuloy na lang ako ng paglalakad. Lakad lang ng lakad.
"Ouch!"
Aray. Ang sakit. Nadulas ako.
"Bakit ka nagdadive? Malayo pa yung falls." Pang-aasar niya sakin.
"Ewan ko sayo! Sabi mo kanina hindi mo alam?!"
Peste! Sobrang gentleman nya! Hindi man lang ako tinulungan tumayo. Pinagtawanan pa ako!
Tumayo na ako ulit pero ang sakit talaga ng paa ko. Naglakad na ulit ako.
Hay. Sorry na lang sakin. Napakasama ng aking kasama.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya.
Paano ba naman.Nakipagsiksikan para maunahan niya ko.
Tapos biglang yumuko. Tapos tumingin sakin.
"Sakay." Sabi niya sa akin.
"Ha?"
"Sakay na. Kunwari ka pa.Gusto mo naman."
BINABASA MO ANG
Bad Enough For You (Revising)
Teen FictionIf love is just a game for you, then I will play along with it. I'll make you fall for me. Even if it means I'll gone good to BAD. -Van Dyke Robbins Kung ayaw mong masaktan. Ikaw ang manakit. Kung ayaw mong maiwan. Ikaw ang mang-iwan. That's just...