I am Anne Sheryn Torres. Tahimik, mahiyain, moody, at consistent honors student.
Sino ba si Ken sa buhay ko?
Ken Villaluz. Ang gumulo ng highschool life ko. Transferee siya sa school namin 'nung second year highschool kami. Naging seatmate ko siya sa first seating arrangement namin and in short, naging close kami. Open kasi siya sa pagkuwento tungkol sa family niya at sa iba't ibang bagay like yung mga gusto niya at tungkol sa naging buhay niya sa siyudad.
He has a sense of humor, friendly, mabait, at sweet. Perfect guy siya kung ako lang ang tatanungin. Hindi naman siya guwapo. Cute nga lang kasi smiling face with matching dimple sa right cheek.
Pakiramdam ko, andaming nagbago sa attitude ko 'nung nakilala ko siya. Napapangiti niya ako kahit kumukulo na ang dugo ko sa inis sa maiingay na mga kaklase namin. Masyado kasi akong seryoso at mainitin ang ulo pero pag nandiyan siya, nakatawa or nakasmile na rin ako lagi.
Minsan, naitanong ko sa kanya kung anong katangian ang gusto niya sa babae. Sabi niya, gusto niya 'yung masayahin din tulad niya, simple, at siyempre mabait daw. Hanggang nalaman ko nalang na nililigawan na niya si Jaira ang talented na first year student.
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...