Sabado sa beach resort.
After namin maayos ang mga dalang pagkain sa mesa ng cottage na nirentahan namin, gumala na kami nina Yssa. Nakaupo kami ni Yssa sa may batuhan at nakatanaw sa dagat habang pinag-uusapan namin kung anu-ano na mga gagawin namin after makuha na yung mga school credentials namin habang busy naman sa picture taking sina Dianne at iba pa naming kaklase.
Maya-maya pa'y may tumawag kay Yssa. Napalingon kaming dalawa. Si Ken yun my hawak na parang album. Sinenyasan nito si Yssa na lumapit sa kanya at may binulong sa kanya. Tumango naman ang best friend ko at bumalik sa'kin.
"Yen, pwede ka daw bang makausap ni Ken? Pagbigyan mo na, para naman magkaayos na kayo bago tayo maghiwa-hiwalay. Mauna na 'kami sa cottage ha," sabay talikod at niyayang umalis ang iba pa. Tinapik pa sa balikat si Ken.
Ang loka, tinanong pa ako hindi naman hinintay ang sagot ko. Ok din namang magkausap kami para atleast hindi kami maghihiwalay na may sama nang loob.
Kinabahan ako nung lumapit na siya. Umupo siya sa tabi ko.
"Hi Yen, sa'n ka nga pala mag-aaral?" tanong niya.
"Ewan ko pero baka sa UP na sa city campus," hindi naman lingid sa kanya ang pakapasa ko kasi nakapaskil 'yun sa announcement board. "Ikaw ba, sa'n ka mag-aaral?"
"Sa city din siguro. Kung saan lang makakapasa. Hindi naman kasi ako tulad mo na makakapasa kahit saang school magttake ng entrance exam," nakangiting sabi niya.
"Sus, mas ok ka 'kamo kasi kahit saang school ka makakapasa, mkakapag-aral ka."
"Hmm. bahala na. Change topic nga, ok lang ba sa'yo?"
"Ok lang. Anong gusto mong pag-usapan?" sabi ko.
"Gusto ko sanang mag-sorry sayo kasi sinadya ko talagang iwasan ka after christmas vacation. Ano kasi eh, nahihiya akong lumapit sa'yo."
Hinayaan ko na siyang magsalita.
"Nahahalata kasi ng mga kaklase natin ang sobrang close at nahihiya na ako kasi baka isipin mong nagti take advantage na ako sa friendship natin pero masaya lang talaga ako pag nakakasama kita at nakakausap," sabi niya.
Naguilty ako dun sa sinabi niya kasi ganun din ang naramdaman ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko kasi nararamdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko.
"I'm very sorry Yen. Please patawarin mo ako kung nasaktan kita. Ilang beses akong tinext at kinausap nina Yssa tungkol dito pero hindi ko pinansin 'yung mga sinasabi nila. Hindi lang nila alam na sa tuwing iniiwasan kita, labis din naman akong nasasaktan, nanghihinayang, at takot na baka tuluyan ka nang magalit sa'kin,".
Ramdam ko yung bahid nang panlulumo dun sa pagkakasabi niya. Napatingin ako sa kanya at tuluyan na kong umiyak. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko nun.
"Huwag kang umiyak Yen. Let me explain kung bakit," at hinawakan ang kanang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga dalari niya sa mga daliri ko.
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...