My side 5

18 0 0
                                    

Months and summer has passed at fourth year na kami. Thanks sa advice ni Yssa at top two ako nung nag.end ang klase.

Hindi ko naman inexpect na magkabati kami pero hindi naman kami nag.away. Nung summer, pinaintindi ko talaga sa sarili ko na hindi kasalanan ni Ken kung minahal ko siya at tinanggap ko na rin na hanggang friends lang talaga kami kaya hindi rin nakakapanibago na close na ulit kami.

Nagsimula ulit nung nag.out-of-town kami para mgcompete sa isang quiz bee for two days. At dahil may kalayuan, para hindi ako mabore sa byahe, naglaro ako sa cp habang nakikinig ng music kaya ayun pagdating namin sa school kung sa'n kami mag.oovernight, lowbat na cp ko. Pagkatapos namin maghapun, tinawag ako ng adviser na siya ring coach namin.

"Ayen, 'lika ka nga. Basahin mo 'tong text ni Ken", sabi niya.

Ken: Good eve, ma'am. kmuzta po kau jan? ok lng po b ang byahe?

"Nagreply na ako. Sabi ko, ok naman kaming apat at ok lang naman ang byahe," natatawang sabi ng guro namin. Napangiti lang ako. "Basahin mo ang textback niya".

Ken: Ma'am ok lng po ba c Ayen? Ba't out of reach po no. niya? Pakisabi po regards sa knila ni Aina.

Nagulat ako dun. Pwede naman siyang magtxt kay Aina or kay Jiro na kasama din namin, ba't ky Ma'am pa?? Pero natouch ako dun ha pero nahiya naman ako sa guro namin.

"Oh, anong irereply ko sa kanya? Kayo ba ni Ken?", nakangiting sabi ng guro namin. Siya din yung class adviser namin at medyo close sila ni Ken.

"Naku di po ma'am. Friends lang po!" sagot ko agad. Di naman kasi talaga pwede. "Pakisabi nalang po na charging pa cp q kaya di niya makontak. Thank you po," nagbblush kong sabi. Buti busy sa kapanonood ng tv sa sala yung dalawa kaya di naman narinig.

Dun na pala mgsstart ulit.

Wayback in Highschool (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon