The day before ng graduation, binigay sa'kin ng adviser namin 'yung copy ng welcome address ko daw. Nagulat pa ko after mabasa 'yun. Panu may line na ganito: "How could someone forget his first love?" Pinag-isipan ko pa kung baguhin 'yun or hindi. Naku si ma'am talaga!
Graduation Day.
Umaga nun graduation mass namin. Dun na naglabasan mga tinatagong emotions namin. Mamimiss ko ang mga kaibigan ko kasi iba ibang school nakatakda naming pasukan. Siyempre for four years na nakakasama namin ang isa't isa. Sa four years na 'yun andami naming napagdaanang ups and down. Andaming mamimiss. Ang school, ang mga guro namin, ang pagpplay ng lyre, ang mga schoolmates namin, ang mga kabarkada, at si Ken.
Binigay ko 'yung ginawa kong letter/card sa kanya nung nagpalitan na ng sign of peace. May nakasulat dun na 'pls. read this after grad'. Tulad namin nina Yssa, teary eyed na din siya at ginroup hug niya kami habang nag-sosorry.
Kinahapunan nun, graduation ceremony. Hindi ko na binago yung speech na ginawa ni ma'am. Automatic na napatingin ako sa kanya nung binabanggit ko ang line na 'How could someone forget his first love?' at lumakas na naman tibok ng puso ko nung makita siya nakangiti sa akin. Yung familiar na ngiting 'yun na bumihag sa snob kong puso.
Picture taking after ng ceremony. Nakapicture namin nun ang ate ko. Tinawag ni Yssa si Ken na pagpapicture kasama namin. After nung group picture, sinabihan ni ate si Ken na kuhanan niya kaming dalawa ng picture. Pinandilatan ko nalang ng mga mata ko si ate. Si Ken di rin tumanggi. Nagulat pa ko nung inakbayan niya ako at captured 'yun!
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...