Naisipan kong sumali sa screening for folkdance nun. Nkapasa naman ako. Minsan, naabutan ko silang nag-uusap ng adviser. Kukuha sana ako ng face towel nun sa bag dahil basa na yung likod ko sa kakapractice nung sayaw namin. Nakatalikod nun si ma'am at nakaharap si Ken sa kinaroroonan ko at napatigil sa pagsalita. Hindi ko naman narinig pinag-uusapan nila pero seryoso ang itsura ni Ken samantalang lagi naman silang nagbibiruan ni ma'am. Hindi ko na din pinansin kasi nagmadali naman akong bumalik sa practice namin.
Dumating ang araw ng foundation day ng school. Sa gabi ng unang araw, magkasunod ang performance ng folk dance at modern dance. Paglabas palang namin sa stage nakita ko agad siyang tumatakbo papasok ng gym samantalang kabilin-bilinan ng DI nila nung nag.aayos kami na huwag na silang lumabas ng room kasi magbibihis na sila ng kanilang costume. Hindi ko na tuloy nagawang magsmile ng fake habang sumasayaw kasi hindi na maalis ang nakaplaster na smile sa mga labi ko nung nakita ko siya amidst the crowd sa gym.
Todo cheer din kami nung sila na ang nagperform. Parehong first placer ang grupo namin at masaya din ang mga guro namin kasi overall champion ang batch namin.
One week after nung Foundation Day namin at Christmas vacation na. Hindi na rin kami nagkita after nung christmas party namin. Nagpaalam siyang uuwi sa city kasi my reunion daw family nila. Tumawag siya nung 24 bago maghating gabi. Nagbatian pa kami. Pero after nun hindi na siya nagparamdam pa.
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...