Kinabukasan 'nun, first subject pa lang, busy busyhan na ang mga kaklase namin sa paggawa. ng SLP. Ba't pa kasi nasama pa sa curriculum yan. Never mind. Hehe.
"So how's your practice last night?" casual na tanong ko sa kanya. Ayaw kong alalahanin ang kiss na yun at kikiligin lang ako. Wala lang yun! :-)
"Un nga, nakakapagod. Muntik pa kong malate kanina kasi 11 na natapos practice. Late tuloy akong nagising." Himutok niya.
"At least tiyak na ang panalo niyo ngayon," nakangiting sabi ko. Siyempre, graduate na kaya yung batch na laging over all champion. Haha!
"Mahirap maging kampante. Sa'n na pala SLP ko?"tanong niya.
"Naku lagot! Nakalimutan kong ilagay sa bag. Naipit ko kasi yun sa afternoon notes ko," kunwa'y sabi ko.
"Yen naman..." nababahalang sabi nito. Napaupo pa ng diretso.
Di ko naman napigilang matawa sa itsura niya.
"Joke lang! Kaw naman di na mbiro," natatawa pa ring binigay ko sa kanya yung dalawang page na bond paper.
"Thanks Yen! Kung wala lang practice kagabi di na sana ako naging abala sa'yo. Pasenya ka na ha," nakangiti niyang sabi.
"Ok lang 'yun. I understand. Pasalamat ka na lang na dito lang ako palagi para sayo," nadulas kong sabi.
"Oo nga Yen no. Kaya nga sobrang thankful ako. Pa'nu na lang ako kung wala ka dito," sabi niya na nakayuko.
Natigilan ako nun. Iba talaga ang dating sa'kin nung sinabi niya. Feeling ko andami niyang gustong sabihin na hindi masabi. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya tapos nagsmile.
Aw. pulutin niyo kasi nalalag ang puso ko! Char!
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...