The day before new year, nagpagupit ako. Pagkauwi ko ng bahay, gumawa na naman ako ng new year's resolution at naisipan kung isama dun na tatanggapin ko na talaga nang buong puso na hanggang magkaibigan lang kami ni Ken at magfocus na lang ako sa studies ko kasi nalalapit na rin ang graduation. Masaya na rin naman ako na close kami ulit at kahit hanggang dun lang sa closeness na 'yun.
Pero masakit pala kung kelan tanggap mo na, saka pa magbago siya.
Excited pa naman akong pumasok nung nagresume ulit ang klase pero hindi ko inexpect na maging ganun siya. Nung nakita niya ako, nagsmile lang siya, simpleng bati ng Happy New Year pero wala naman sa mukha niya ang saya. Hindi na rin kami magseatmates nun kaya natapos lang ang araw na yun na parang wala lang.
Nung mga sumunod na mga araw, napansin ko talagang umiiwas siya. Hindi na siya sumasabay sa'min nina Yssa pag pumupunta sa gym para sa flag ceremony, kahit sa canteen. Hindi na rin siya sumasama sa'min ng mga kabarkada niyang tumambay sa paboritong study shed namin. Hindi na rin siya palangiti.
'What the heck is happening to him?'
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...