My side 13

15 0 0
                                    

Noon ko rin napagtanto na mahal ko na nga siya at sobrang sakit sa pakiramdam ang hindi namin pagpapansinan. Minsan, parang ayaw ko nang pumasok ng school. Nakakatamad mag.aral. Pakiramdam ko noon unti-unti akong pinapatay. Lalo na nung nabalitaan kong nagkakamabutihan sila ni Camille. Siya 'yung babaeng alam ng buong batch namin na may gusto sa kanya. Nasasaktan ako pag nakikita silang magkasama. Kung pwede lang hilahin ang mga araw para mapabilis at graduation na.

Buti nalang at nandiyan palagi sina Yssa at Dianne. Todo advice at intindi sa'kin. Ayoko ko ding biguin ang parents ko at mga kapatid. Inexpect nila na magiging class salutatorian ako kaya pinili ko pa ring magpakatatag at kayanin hanggang graduation. Buti nalang wala kaming JS Prom that year kasi sa school at may pinapatayong bagong building. Wala na rin practice sa Drum and Lyre Corps kaya hindi ko rin siya nakikita pag weekend.

Mga last week ng February, lumabas 'yung results ng UPCAT at dalawa kami ni Aina nakapasa. Kahit papano naging masaya na rin ako sa good news na 'yun at tiyak na kung sa'n ako mag-aaral sa college.

Two days before ng graduation namin, tinanong ako ng Adviser namin kung may welcome speech na 'ko. Sabi ko wala pa kasi hindi pa naman talaga ako nagawa. Confirmed na nun na si Aina ang valedictorian at salutatorian ako. Masaya naman ako para kay Aina kasi deserve niya yun at happy din para sa kanya bilang kabarkada niya.

Masakit para sa'kin na magkakahiwalay kami na hindi magkabati so I decided to write him a letter, thanking him sa lahat ng mga magagandang nagawa niya bilang parte ng highschool life ko.

Wayback in Highschool (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon