"Ganito kasi 'yun. Nung third year tayo, natataka ako sa'yo kasi ramdam kong iniiwasan mo ako samantalang close naman tayo nung second year. Balak nga kitang tanungin noon kung galit ka ba sa akin nung minsang may practice tayo sa Drum and Lyre Corps. pero hindi ko na tinuloy kasi nahihiya akong lumapit sa'yo saka umiiwas ka rin naman sa tuwing magkasalubong tayo. Kaya nga sobrang saya ko nang marevive closeness natin. Sabi ko nga, 'pano nalang ako kung wala ka dito?' Dito sa puso ko? Gusto kong idugtong nun pero baka mabigla."
Hinigpitan niya ang pagsalikop sa mga daliri ko.
"Wag ka sanang magagalit Yen pero sasabihin ko na talaga 'to sa'yo." Sabi niyang diretsong nakatingin sa akin. Napakunot-noo naman ako.
"Alam kong mali kasi magkaibigan tayo pero sa totoo lang, binalak ko talagang ligawan ka. Pero hindi ko tinuloy kasi naalala ko 'yung house rule ni ma'am na bawal ang ligawan at magkasintahan sa room. You're running for class salutatorian pa naman kaya naisip kong baka mailagay kitang sa alanganin. Minsan kinulit ko si Ma'am na baka pwedeng baguhin niya yung rule niya. Hindi daw. Part daw yun ng discipline na gusto niyang i.impose sa'tin. At before foundation day, kinausap niya ako. Yun yung nakita mo kaming nag-uusap ni ma'am. Tinanong niya ako kung tayo na ba at bakit parang tayo na at kung nakalimutan ko ba yung rule sa room. Nagpaliwanag ako sa kanya. Sabi ko kung sa tingin niya nilabag ko yung rule niya, sa grades ko nalang ipataw at hayaan na ang sa'yo. Kaya kahit masakit at mahirap din para sa'kin na iwasan ka, ginawa ko nalang kasi para rin naman sa'yo. Sana maintindihan mo ako Yen," mahabang paliwanag niya.
Grabe. Hindi ko lubos madigest ang mga sinabi niya pero ramdam ko ang bigat nang kinikimkim niya. Napahinga ako nang malalim at nagsalita.
"Hindi naman ako galit sa'yo eh," sagot ko. Pagkatapos kong marinig confessions niya, may karapatan pa ba akong magalit? "Sorry din kasi parang napakaselfish ko kasi inaalala mo pala 'yung class standing ko samantalang ako muntik ko nang igive-up ang natirang three months natin sa school. Nasasaktan kasi ako dahil kung kelan pa na tanggap ko na hanggang magkaibigan lang tayo, dun ka pa hindi mamansin," naiiyak ko na ring sabi sa kanya.
"Don't tell me noon ka pa nagkagusto sa'kin?" naguguluhan ngunit nakangiting tanong niya sa'kin.
"Manhid ka talaga!" natatawa kong sabi. "Oo, noon pa. Nung second year palang tayo!" ramdam ko pag-iinit ng mga pisngi ko. Blushing to the max tuloy. "Panu yan, mapapatawad mo rin ba ako kung more than friends din ang pagtingin ko sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...