My side 8

14 0 0
                                    

No. 1 sa houserules ng strict adviser/Values teacher namin noon: No lovebirds in the class. Bawal ang ligawan, bawal ang magkasintahan. May magkasintahan kasi sa batch na ahead sa'min at distracting daw sa klase. So unfair! harhar.

Nakalimutan yata ni Ken yun kasi sweet pa rin siya kahit nandiyan si ma'am sa room.

* * * * * * * * *

Minsan,

"Yen, kulang pa yung SLP ko. Pwede bang gawan mo ako? May practice kasi kami mamayang gabi eh. Please?"

Ang gawain sa Student Learning Plan ang tinutukoy nito. Nagsisimula na kasi ang practice ng modern dancers para sa Foundation Day ng school. Target kasi nilang manalo kasi lagi lang silang second placer.

"Ilang SLP ba? Magrewrite ako ng mga notes ko mamaya eh", sabi ko. Pangit kasi penmanship ko pag nagtitake down notes kaya nirerewrite ko yun sa bahay at parang review na rin.

"Dalawa lang naman Yen. Sige na please.", sabay act na parang nagdadasal.

Tsk. Panu ko mahihindian ang cute na to??

"Ok. Pag may time pa ako," natatawang sabi ko.

"Yen naman?"

"Sige na nga. Kulit mo," natatawang sabi ko.

"Yes! Thanks Yen!" sabay halik sa cheek ko. "Got to go at may practice pa kami,"sabay hablot sa bag nito na nakapatong sa upuan niya at nagmamadaling lumabas.

At ako? Ayun. Naiwang tulala. Kung hindi pa ko tinawag ni Yssa at Dianne para umuwi na, di pa ko nakaalis sa kinauupuan ko. Buti nalang wala ng ibang tao sa room nun. Nag CR kasi ang dalawa.

Wayback in Highschool (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon