His Confession 3

15 0 0
                                    

"Let's forgive ourselves then. Pareho lang tayo eh," sabi niya at sabay kaming napatawa.

"Hindi ako makapaniwala nung sinabi sa'kin ni Yssa na may gusto ka sa'kin two days before nung graduation. Balak ko na din naman magtapat sa'yo kaya nagsuggest ako kay Aina na baka pwede tayong mgclass outing after graduation. Buti nalang pumayag siya. At narinig ko din nung minsang tinanong ka ni Yssa kung ok na speech mo, sabi mo wala ka pang nagawa so since pinalitan din niya ang speech ni Aina, kinausap ko rin si ma'am at nagrequest na siya rin ang gumawa--"

"Don't tell me ikaw din nagsuggest kay ma'am na isama yung line na 'yun sa welcome address ko??"

"Opo. Hahahahaha! Agree naman si ma'am dun eh. Saka di mo naman pinalitan at talagang tiningnan pa ako habang sinasabi yun sa stage! At pinagbayad ko lang si ma'am sa nakakasakal na rule niya" natatawa niyang sabi.

Kinurot ko siya tagiliran. Tawa lang siya nang tawa. Akalain mong kinuntsaba pa si Ma'am dun!

Maya-maya pa'y nagseryoso na ulit siya.

"Gusto kong bumawi. Papayag ka ba kung manliligaw ako sa'yo? Wala namang magagalit di ba?" sabi niya.

Manliligaw? After nang pagtapat namin sa isa't isa, manliligaw pa? Hahaha. Manhid talaga.

"Sa'kin wala pero sa'yo ewan ko," sabi ko na napaismid.

"Sino? Si Camille? Wala 'yun. Siya lang naman ang nag-aakala na kami samantalang hindi ko naman siya niligawan. Pinagbibigyan ko lang yun minsan. Please Yen. Bigyan mo ako nang chance. Hindi joke 'yung karugtong ng quote na finorward ko sa'yo noon. Totoo yung hiling ko na sana more than just friends pa tayo. I love you Yen, more than just a frriend."

Nagulat ako. Kala ko talaga kasi joke lang 'yun kasi sabi din niya pero seryoso ang kausap niya ngayon.

"Hindi pa rin pwede eh," seryosong sabi ko.

"Bakit? May nanliligaw na sa'yo?" malungkot niyang sabi. Kumagat naman.

"Seryoso talaga? Kelan pa may naglakas-loob na manligaw sa'kin?" natatawa kong sabi sa kanya.

Hinawakan ko magkabilang mukha niya.

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka na pwedeng manligaw kasi kanina pa kita sinasagot diba? Ganun pa rin nararamdaman ko para sa'yo. I love you Ken Villaluz, more than just friends!" nakangiti kong sabi.

"Yes!! Napasuntok pa sa hangin. "Sobrang saya 'ko ngayon Yen. Promise hindi ako magiging sagabal sa studies mo." At niyakap niya ako.

"Me too. Thank you kay ma'am kasi naranasan ko na kung paano ko pagsabayain ang pag-aaral at pag-ibig. Pero sana, you won't dare to hurt me again."

Hinding-hindi na Yen. I'll take care of you, I swear."

And we sealed it with a passionate kiss and a tight hug which erased all the doubts and pains we've been through. Afterall, this moment is indeed worth to wait.

Wayback in Highschool (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon