Minsan, hindi ko na talaga natiis na hindi siya kausapin. Malapit sa bintana ang puwesto niya at mula nung pumasok siya room nung after lunch na 'yun, hindi pa siya umaalis dun. Busy busyhan lang siya kunwa'y sa pagbabasa ng song hits. Nilapitan ko siya at umupo sa katabing silya.
"Hi Ken. Puwede ba kitang makausap?" sabi ko.
Tumingin lang siya saglit at binalik ang atensyon dun sa hawak na song hits.
"Bakit?"
"Bakit ka ganyan? I mean, bakit hindi ka namamansin? May problema ba? May nagawa ba kaming mali sa'yo?," sunod-sunod na tanong ko.
"Wala." Sa dami ng tinanong ko
"Anong wala?" pangungulit ko.
Narinig ko yung paghinga niya malalim bago magsalita.
"Wala Yen. Wag mo na akong alalahanin pa. May quiz tayo sa Filipino mamaya diba? Magreview ka na." Cold niyang sabi at tumayo. "Excuse me Yen. Lalabas lang ako." at nagmadaling lumabas ng room.
Naiwan naman akong halos maiyak na. Hindi ko maintindihan yung inasal niya.
BINABASA MO ANG
Wayback in Highschool (Completed)
Teen FictionLove, friendship, studies, and timing. It's hard to fall in love with a friend who seems doesn't love you more than just being a friend. But you just don't know his side. In the end, you'll just realize that when everything falls into right places...