Bungee jumping, cliff jumping, extreme roller-coaster rides; name it, I'll do it. Horror movies never frightened me. Not my parents, the police, not even death.
I like it. I'm a risk taker and an adrenaline junkie. I'm a self proclaimed bad girl ex...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
She was like one of those flowers that only bloom in the winter; courageous and selfless, she made the bad days better.- Beau Taplin, "An English Daisy."
"Nope"
"Pakipot ka ba o ayaw mo talaga akong kaibiganin?" Pabiro kong tanong. Hindi ko na sya hintay na sumagot dahil narinig kong nag ring ang cell phone ko sa my living room. "Mapapasagot din kita, Pierre. Tandaan mo yan!" Pahabol kong tuya.
"Don't make it harder than it already is."May sinabi pa sya, pero hindi ko na narinig.
Tumawag lang si mommy para mangamusta. Akala ko nalaman nyang tinangka kong takasan si Pierre kaya pagagalintan nya ko. Turns out, hindi naman pala nagsumbong si Pierre . Hindi ko na sinabi ang tungkol sa plano kong road trip. Alam kong hindi sya papayag at mas lalo lang hahaba ang estorya.
Sa sobrang excited ko nung gabing yun, hindi ako nakatulog sa kakaisip. Ganoon talaga ako kaya ang resulta,inabot ako ng alas nwebe sa kama. Sobrang tahimik ng buong lugar paggising ko. Hinanap ko agad si Pierre, pero wala sya. Alas dose na nung dumating sya sang may dalang dalawang malalaking eco bag na may lamang groceries. Kasunod nya ang bellboy na may hila hilang aso.
Naramdaman kong halos mag hugis puso ang mga mata ko pagkakita sa isang gray na husky na pumasok sa condo ni Pierre at umupo sa sofa na parang sya ang may-ari noon.
"I hope you don't mind if we bring her along. I just couldn't stomach leaving her in the care of others for too long." Sabi ni Pierre mula sa kitchen. Nakita ko syang naglalagay ng mga cans ng sa palagay ko ay beer sa loob ng isang cooler. "We can go after I stocked up. I've loaded all the camping essentials on the van, just in case we can't get a hotel to sleep in along the way. Hey, are you listening?"
I stopped listening after he said 'I hope'. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa aso na prenteng prente paring nakaupo sa forbidden couch. Nangati ang kamay kong hawakan ang malago nitong balahibo. Gusto ko syang lapitan, pero natatakot ako na baka sakmalin nya ako.
"You can pet her. She's nice to everyone." Napalingon ako kay Pierre na nasa tabi ko na pala at nagpupunas ng kamay.
Gustong gusto ko talagang lumapit, kaya lang nang umabante na ako, sya namang baba nya sa couch. Pumunta sya kay Pierre at dinila-dilaan ang kamay nito. Umupo si Pierre para haplosin ang balahibo ng aso sa tyan. "Go on. She'll like you."
Nahihiyang umupo din ako sa tabi ni Pierre. Hinaplos ko ang likod ng aso. She cooed at my touch, kaya tuwang tuwa ako. This is going to be the best road trip ever.