C10 - Not gonna lose you again

166 128 73
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Because even if you buried yourself in guilt, you can't go back and change what happened."

— Katherine Fleet, The Secret to Letting Go



It was the happiest day of my life. After going to Wholefoods, nadaanan naming ang Made in L.A. wall. Hindi ko na napigilang magpapicture. Hindi na nakapalag si Pierre ng gawin ko syang photographer. Syempre hindi mawawala sa mga pictures si Aso. Infact kasama ko sya sa lahat ng pictures.

Nadaanan din naming ang Beverly hills. Hindi na kami tumigil, hindi rin kasi ako gaanong interesado doon. Dadalhin ako ngayon ni Pierre sa wall of fame. But first, gusto ko muna makita ang Hollywood sign.

"Are we there yet? Are we there yet? Are—" paulit-ulit kong tanong. Alam kong super hyper ko ngayon. Ewan ko ba. Masaya ako. Ayaw nya paring magpa tugtog ako kaya ito ngayong ang pinagkakabalahan ko.

"You got to be kidding me!" he bellowed, irritated.

"Are we ... there yet?" I hesitantly inquired.

"No. Were. Not. Fucking. There. Yet!" Sabi nya na may diin sa bawat salita.

"Hinihika ka ba? Bat ganyan ka magsalita. Don't give me that attitude, young man." Pangaral ko na parang lola. Sa isip ko, nagdiriwang na ako dahil alam kong inis na inis na sya. "so, are we there yet?"

"OH! FOR THE LAST TIME! N--!"

"Hep-hep! Ano bang sabi ko? I will not talk to you with that tone, young man."

"Don't talk to me like you're older. I'm five years your senior for fucks sake! And no, for the last time, we're not there yet! Jesus Christ, Renaud!"

Balik na tayo sa ganon huh. Pero ngayon, Renaud na lang. Natawa ako kaya sobrang talim nang titig nya sa harap. Halos mamuti na ang knuckles nya sa higpit ng pagkakahawak nya sa manubela.

Si Aso naman, nakatambay sitting pretty lang sa likod ng van.

Ang dami palang attractions sa L.A.. Mabuti nalang pumayag si Pierre na i-tour ako.



The same scene happened nung nakarating na kami sa may hollywood sign. He took a picture of Aso and I habang nasa background yung sign. It was a brief stop kasi parang uulan.

He had been very nice and very irritated; I don't know what to think about him.

I had the sudden urge to ask for a picture of the two of us together pero umurong ang dila ko nung tatanungin ko na sya.

Alas dos y media na nang makarating kami sa Hall of Fame. Kuha ako ng kuha ng mga pictures sa mga tiles na may star. Ang dami ding performers na nakakalat. Hindi ko binibitawan ang leash ni Aso habang bored naman na naksunod sa amin si Pierre. Feeling ko mapupuno ang instagram ko ng picture nya, but I don't mind. She's a very cute dog.

Far EnoughWhere stories live. Discover now