C18 - Not Let Me Fall

234 28 4
                                        

The evil in the world comes almost always from ignorance, and goodwill can cause as much damage as ill-will if it is not enlightened

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The evil in the world comes almost always from ignorance, and goodwill can cause as much damage as ill-will if it is not enlightened.

— Albert Camus, The Plague


I knew what was coming so I anticipated it. Pierre would go bat shit crazy when he found out that I left. But unlike the last time, I didn't feel like rebelling against him. Chris's confession is still very fresh definitely clouded my mind.

Nabigla man sa pagpasok nya sa kwarto ng walang abisa ay hindi koi to pinakita. Tinignan ko ang take out na nasa aking kamay at tumayo para puntahan si Pierre sa bukana ng aking kwarto. Hindi ko nilingon si Chris nang tinawag nya ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kay Pierre. Napansin kong kuminang ang pawis sa kanyang noo at ang pag iba ng kulay ng kanyang puting t-shirt sa may bandang kwelyo na basa ng pawis. Naalala ko na namention ng isa sa mga bodyguards kanina na hindi sya natulog dahil binantayan nya ako kagabi. Tapos ano pa ang ginawa nya ngayon? Ang paghahanap ng nawawalang brat.

"What?" Pagalit parin pero maypagtataka nyang tanong pabalik.

"I brought you something." Nilahad ko sa kanyang mukha nag papaerbag na may lamang pagkain. Hindi ko alam kung bakit pa ako nag take out kung alam ko namang sobrang busog na ako. Ilalagay ko na lang sana ito sa mini ref pero naisip ko'ng baka maging soggy na yung pagkain kung mamaya ko pa kakainin kaya ipamimigay ko nalang. Generous ako eh.

Ang sabihin mo, binili mo talaga yun para sa bodyguard mong masungit.

Pinili kong ignorahin ang boses sa aking isip at wag na munang pagdudahan ang aking mga galaw.

Sandali syang natigilan pero nang mahimasmasan ay dahan dahan nyang kinuha ang supot sa aking kamay.

Hindi matigil ang paghuhurumentado ng mga paru-paru sa tyan ko ng magtama ang mga balat namin. Nanatili ang kanyang kamay sa ibabaw ng akin. Naramdaman kong hinihintay nya akong tumingin sa mga mata nya pero alam kong hindi ko kaya yun kaya pinanatili ko ang tingin sa aming mga kamay. "It's ice cream. I-I was craving for something dairy kaya—" Doon ko lang napagtanto kong baka ayaw nya sa mga ganito. "Kung ayaw mo o-order na lang ako ng room service—"

"I like ice cream." The drastic change in the tone of his voice made me look up. It was weird that someone like something like this but didn't mind. His gaze arrested me, his beautiful green and gold flecked eyes are confused. Kung hindi ako nag-iwas agad ng tingin baka natumba na ako. Pinilit kong wag hawakan ang naghuhurumintado kong dibdib. Ang mga paru-paru sa aking tyan ay napalitan uli ng isang buong zoo. Binitiwan ko ang paper bag at tinago ang kamay sa aking likod.

"It's chocolate." I said in a small voice, looking anywhere but straight to him.

"My favorite." Sagot nya habang nasa akin parin ang mga mata.

Far EnoughWhere stories live. Discover now