C2 - Not Pierre

265 192 354
                                    

"What is important is not what happens to us but, how we respond to what happens to us." - Jean-Paul Sartre





                 ONE WEEK na na nakalipas mula noong umalis ng hindi nagpapaalam sa akin si Lily. Ang sabi nila Mommy, indefinite leave daw, pero baka bumalik din daw s'ya after one week. Parating ginagawa ito ni Lily dati, kaya hindi ako gaanong nag-taka. Kagagaling ko lang sa school at nagmamadali akong pumanhik sa kwarto ko para magbihis at gumala kasama ng mga kaibigan ko. Pag-baba ko, nakita kong nakabusangot ang mukha ng isa sa apat na bestfriends ko mula pagkabata.

"Bat walang pagkain? Asan ba si Lily? Yung luto n'ya na nga lang ipinunta ko dito eh." Reklamo ni AnnaBlythe, ang naka baseball hat, basketball jersey, at walang kahinhin-hinhin kong pinsan.

"Manners, AnnaBlythe. Hindi mo bahay to. At, ibaba mo nga yang paa mo. And cross your legs, please lang, umaalingasaw yang tina-taguan mo." Saway ni Constance kay AnnaBlythe na nag peace sign lang.

"Ay, sorry naman, Miss President, hindi kasi ako naligo nong monday. Pis tayo. Pis."

"Wednesday ngayon. Ano namang kinalaman ng pagligo mo ng Monday dito?" Nagtatakang tanong ni Constance. Nalilisik na ang mata n'ya na mas lalo lang nagpalaki sa ngisi ni AnnaBlythe.

"Kasi nga di ba, M-Th-Sa lang naliligo si Blythe." Paalala ng shy-type na si Francesca. Nakasalamin s'ya at kaharap na naman ang laptop. Nang iistalk na naman ata nang mga idol n'yang youtuber.

"Ibig sabihin, mag-aapat na araw ka nang walang ligo? Nakakasuka ka, AnnaBlythe! Maligo ka nga!" Sigaw ni Constance nang naka kunot ang noo at parang diring-diri, kahit sa totoo n'yan, natatawa na rin s'ya.

"Ayoko nga! Mababasa pa ko eh, tsaka maliligo din naman ako bukas." Pagmamatigas ng pinsan ko. May sayad din 'tong si AnnaBlythe minsan, eh. S'ya lang yata ang kilala ko na kayang suwayin ng harap-harapan ang pinaka-mabagsik na student council president ng Rochester West Academy.

Natigil ang bangayan ng dumating si Mommy na may dalang pagkain. Agad naman s'yang sinulong ni AnnaBlythe na panay ang 'thank you' sa kan'ya.

"Mom, 'san ka galing? Napa-aga ka ata." tanong ko habang nag-mamano.

"Sa hospital, sweetheart. Binisita ko lang si Lily. Malala na ata, eh. You know what I hate about hospitals? I mean, besides the smell huh..." Hindi ko na narinig ang mga sumunod n'ya sinabi. Ang alam ko lang, tina-tawag nila ako, pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo ako palabas, tyempo namang hindi pa nakakapag-park ang driver namin.

"'Tay Ben, kay Lily po." 'yun lng yung sinabi ko, alam na agad ni tatay Ben ang gagawin. On the way sa ospital, sulyap s'ya nang sulyap sa akin sa rearview mirror. Wala akong imik na umiiyak, hinahayaan ko lang na pumatak ang mga luha ko. Pinipilit kong isipin na wala namang masamang nangyari, o mangyayari kay Lily. Malakas pa s'ya nang huli kaming nagkita. Sigurado akong wala lang 'to.

Alam ko na sa mga oras na yon, sarili ko nalang ang kinukumbinsi ko.







            I HAD that dream again.

            Ganito palagi ang nangyayare pag sobrang nalasing ako. I tried so hard to bury those memories but they somehow find their way back. It's like my mind likes to reply all those bad memories for me just for shits and giggles. Well, I don't find it funny or nostalgic or some shit like that. Minus the part where I actually still remember how much of a slob my cousin was, the memory is actually quite sad.

Far EnoughWhere stories live. Discover now