C6 - Not Going Home

152 158 82
                                        

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Little by little, one travels far." – J.R.R. Tolkien



Hinila nya ako palabas ng plane. Mabuti na lang hindi pa umaandar yun. Nadelayed pa ata ang flight dahil sa akin.


No. wait, scratch that. Dahil yun kay Pierre. Kung hindi nya ako sinundan, o pinakealaman hindi madedelay ang flight. Bwesit!


Hila hila nya parin ako hanggang sa makalabas na kami ng airport at umabot na sa sasakyan nya. Hindi gaanong mahigpit ang hawak nya, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makawala. Walang imik na halos ibalibag nya ako papasok ng sasakyan. Kung normal ako ngayon, nagtatatalak na ako. Minura ko na siguro sya hanggang makuntento ako.


Pero hindi ko nagawa. Tulala lang ako.


Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.


Akala ko talaga nakalusot na ako nung lumapat na ang pwet ko sa designated seat ko sa plane na yun.


Bumalik ang isang nakakapanlumong realisasyon sa akin.


"What made you think you can escape me?" Narinig ko ang malamig nyang tanong. Ramdam ko ang pagka-irita nya sa bawat salitang binibitawan. Mabigat ang kanyang paghinga. Ang kaliwang kamay ay nakahawak sa manibela hang ang isa ay hinihimas ang kanyang nuo. "Do you always do that? With your other guards in the Philippines?"


I'm alone with this...with this—argh!


Walang ganang pagkibit balikat lang ang tanging naisagot ko sa kanya.


Walang hiyang to! May gana pang makipag chit-chat! Ngayon nya naisipang magtatatalak, eh kung nasa bahay nya lang kami halos isang salita lang bawat araw ang sinasambit nya sakin!


"Don't do that again, Ms. Renaud." Sabi nya bago pinaharurot ang sasakyan.


Natataranta akong nagsuot ng seatbelt. Papatayin pa ata ako ng isang to.


"Fucking close! So fucking close." Narinig ko ang mahina ngunit padabog nyang bulong sa sarili.


I under estimated him. It wasn't Constance's fault. Kung sa ibang bodyguard lang siguro si Pierre, nakalipad na ako kasama ng ibang mga pasahero papuntang Utah.

Far EnoughWhere stories live. Discover now