Bungee jumping, cliff jumping, extreme roller-coaster rides; name it, I'll do it. Horror movies never frightened me. Not my parents, the police, not even death.
I like it. I'm a risk taker and an adrenaline junkie. I'm a self proclaimed bad girl ex...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"...and in this moment, I was pretty pleased of the person I was pretending to be." - The Front Bottoms, Summer Shandy
Isa sa mga magandang dulot ng pagkakaron ng kaibigang kagaya ni Constance ay kaya yung kaya nya akong ialabas sa kahit na anong gusot na mapasukan ko. On the downside, kaya nya din akong bingihin sa sermon. Tinatapunan ko ng apologetic na tingin ang driver ng uber na nasakyan ko nang maging sya ang ngumingiwi na din sa lakas ng boses ni Constance na nanggagaling sa cellphone ko. She mentioned something about me being too trusty and putting people on pedestals.
Grabe ang pagso-sorry ko sa driver nang nasa labas kami ng hotel na tinutuloyan ko. Constance already wired him the money kaya ng makalabas ako ay mabilis na pinaharurot ng mama ang sasakyan.
Walang gana kong nilampasan ang casino, pati na din ang buffet at bar. Parang kanina lang, ang saya saya ko pa.
Tinapos na ni Constance ang tawag ng makapasok ako sa elevator. Saktong wala itong sakay. Nang muling mapag-isa ay bumalik sa akin ang inis kay Pierre.
Ang sarap hambalusin! Talande, hampota!
Parang nananadya talaga dahil tumogtog ang Photograph ni Ed Sheeran sa elevator. Parang tangang tinabunan ko ng mga kamay ang aking mga taenga pero wala ding nagyari. Huminga ako ng malalim at binaba ang mga kamay. Napasandal nalang ako sa wall at pinagmasdan ang pag-ilaw ng mga floor number. Dumating na ito sa 10th floor at tumunod na ang bell.
Bumukas ang pinto ng elevator. Tumambad sa akin ang likod ng isang matangkad na lalaking brunet na may kahalikang babae na naka-uniform ng panghotel. Nagmadali akong pindotin ang kahit na anong numero para lang maka-alis na don. Nakakahiya naman sa kanila, no? Sa public place ba naman magkainan ng mukha?
"So? I'll see you around." Sabi ng lalaki na may british accent na nakilala ko kaagad. Magkapatid nga sila. Letse!
Nakapikit parin ang babae sampung segundo after yun sabihin ni Chris. Tamang tama naman na nagsara ang pinto ng elevator. Wala ba talagang sinasanto tong magkapatid na to? And, gosh! He's fraternizing with the help.
I thought, at least Chris would be different. Binalaan na ako ni Pierre. Somehow, I still hoped that at least one of them is different. Sino ba naman kasi ang nagsabing perpecto ang dalawang yun? Ako lang naman tong malambot at madaling magtiwala pakitaan lang ng konting kabaitan.
I stepped out of the elevator the moment it opened. I started wondering aimlessly.
I must have really read into it wrong. Wala naman silang sinabing masama sa akin. Hindi din naman sila nagsinungaling.