"Ay kabayo!" Napatalon ako nang makitang may gumalaw na pigura sa sofa. Kapapasok ko palang sa aking apartment at yun na agad ang bungungad sa akin. Lumapit ako at napa buntong hininga na lang nang mapagtanto kung sino ang nasa sofa. "Utang na loob naman, Pierre!" Singhal ko sa natutulog na Pierre. Mabagal itong kumurap-kurap na parang dinadamdam pa kung na saan sya. "Pano ka nakapasok dito? Alaka ko tuloy nilooban na 'ko! Umayos ka nga!"
Umupo sya at marahang hinilot ang sintido. Napansin ko kung gaano sya ka wala sa sarili, ang suot nyang puting t-shirt at maong na pantalon ay gusot, ang kanyang buhok ay gulong-gulo at may balbas na ring tumutubo sa mukha nya. Sa amoy at itsura nya, alam ko na agad na lasing sya. "Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?"
"I have my ways." Simple nyang sagot. I didn't even want to know kung ano yung ways na tinutukoy nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Ulit ko. Nag kibit balikat lamang sya at naglakad papunta sa aking kitchen. Kumuha sya ng miniral water sa aking ref at bumalik din agad sa kinauupuan nya kanina. "Kung hindi mo rin naman ako sasagutin, umuwi ka nalang!" Hindi parin sya nagsalita at marahang ininum ang laman ng bote. "Go home. I'll call a cab." Nagsimula na akong magpipipindot sa aking cellphone nang sumagot sya sa mahinang boses.
"Don't."
"Then sagutin mo 'ko! Ano ngang ginagawa mo dito!" Nag-uumpisa na akong magalit sa kanya. Okay na ko, eh. Gugulohin nya na naman ang lahat. Ganyan naman lagi.
"Looking for scraps." Tinignan nya ako ng mag pagmamakaawa sa mata at mapait na ngiti sa labi. "Anything, baby, just about anything you can give."
Hindi mo na 'ko madadala sa mga ganyan.
"Hate me, punish me, punch me, damn it! I don't care!" He stood up, towering over me. "Just stop ignoring me." He extended his hand to reach my arm but I moved so he can't touch me. Alam ko kung ano ang epekto ng mga haplos nya sa akin. I just can't risk it. Pinirme ko rin ang mga tingin ko sa dibdib nya para hindi magtama ang mga mata namin. Sa mga panahong ganito sya, kailangan ko ng malinaw na pag-iisip at nakakatunaw ng brain cells ang mata ni Pierre.
"I can live with the hate but, I can't live without you. I miss you. So bad, and it kills me seeing you with that boy!" He grabbed my chin and gently titled it up so he could look at me better, melt me better.
"I'm getting married next month, Pierre." I said, more to myself than to him.
"Fuck if I care. Honestly, mahal ko, all I care about right now is having you in my arms." It turns out, even his words are poisonous. Hindi kinaya ng self control ko na marinig ang dati nyang tawag sa akin.
And so, I melted.
Hindi ko alam na pwede pala akong mahulog kahit nasa lupa lang ako. Hindi ko alam na ang mismong pangarap ko ang magpapahamak sa akin...
YOU ARE READING
Far Enough
Chick-LitBungee jumping, cliff jumping, extreme roller-coaster rides; name it, I'll do it. Horror movies never frightened me. Not my parents, the police, not even death. I like it. I'm a risk taker and an adrenaline junkie. I'm a self proclaimed bad girl ex...