Bungee jumping, cliff jumping, extreme roller-coaster rides; name it, I'll do it. Horror movies never frightened me. Not my parents, the police, not even death.
I like it. I'm a risk taker and an adrenaline junkie. I'm a self proclaimed bad girl ex...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"...he had a way of melting every part of me." – Christy Ann Martine
Nagising ako nang may maramdaman akong kakaiba sa kamay ko. Parang paulit-ulit na pinapahiran ng mainit-init na basing bimpo. Naiiritang ipinagitna ko sa aking mga hita ang aking mga kamay.
Gusto ko pang matulog. Antok na antok pa'ko.
Nakarinig ako ng mga tahol kaya gulat akong napabalikwas ng upo. Sandali pa akong natigilan nang magdilim ang paningin ko. 'Di nagtagal ay bumalik din naman sa dati ang lahat kaya nagawa ko ng ilibot ang mga mata ko sa kwarto. Mula sa malaking TV sa pader patungo sa mga mwebles hanggang sa malambot na kamang hinihigaan ko.
"Hi!" Pagbati ko sa aso ng aking bodyguard nang sumampa ito sa kama at kinahulan uli ako. Hindi sya mapakaling nagpalibot libot sa may paanan ng kama. I made a mental note to myself na hugasan ang kamay ko bago mag breakfast dahil ramdam ko pa ang lagkit ng laway nya.
Humikab ako at tumayo.
A coffee would be really great right now.
Mag-isa lang ako sa kwartong ito. Hindi ko na inalam kong nasaan ang bodyguard ko at ang kapatid nya.
Tinanggal ko ang oversized na t-shirt na pinantulog ko kagabi at nag hanap ng maisusuot sa maletang nakasandal sa tabi ng kama. Kumuha lang ako ng leggings at tank top at dali-dali ko ring tinali ang buhok ko ng makitang hindi parin mapakali si Aso.
Paulit ulit nya yong ginawa habang nagbibihis pa ako. Palagay ko nga, nagising nya na ang buong hotel. Sa umpisa hindi ko pa pinapansin kasi na ku-cute-tan ako sa kanya kapag nagba-bounce ang katawan nya. Ngayon, nag-alala na ako dahil baka ipinuslit lang sya nila Pierre dito sa hotel. Nakakita pa naman ako ng sign sa labas na 'no pets allowed'.
Sa kabila ng mga tahol ni Aso ay narinig ko parin ang pag-bukas ng pinto. Bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi. Mula sa pagsasayaw ko mag-isa hanggang sa pagkaladkad sa akin palabas ng bar. Nakakapagtakang hindi gaanong masama ang hang-over ko.
"Aso! Shut up!" Iritadong unggol ang pinagbungad ni Chris sa amin. Suot nya parin ang mga damit nya kagabi. May Starbucks sya sa kamay at ang buhok nya ay parang kinuryenteng racoon sa sobrang kalat. Gayun pa man, sobrang gwapo nya parin. Kasunod nya si Pierre na nakapamulsa at mayhawak namang malaking mug. Naka-demin jacket sya at black pants. Mukha rin syang bagong ligo.
Agad na tumakbo kay Pierre si Aso. Hinagod-hagod nya ang ulo ni Aso na nagpa purr naman dito.
"Someone's not a morning person." Komento ko kay Chris na ngayon ay nakaupo na sa paanan kama at half closed ang mga mata.